Chapter 23

35 5 0
                                    


" Bae, did you notice Hayley these past few days? " tanong sa akin ni Lian habang nagtatake down notes ako sa discussion ni Prof. Arturo.

Ilang linggo na pala ang lumipas matapos ang pagpapakilala sa akin ni Liam kay Tita Rhian. Hanggang ngayon kapag naaalala ko yun ay napapangiti na lang ako.

Natigil naman ako ng marinig ko ang tanong niya. Pansin ko rin yun eh. Maraming nagbago sa kanya. Is it about Ethan? But, Ethan has his own life now in Canada at balita ko pa masaya na daw siya dun. And I conclude na nakamove on na siya kay Hayley.

" Yeah. There is, may nagbago na nga sa kanya. But first things first makinig muna tayo baka mapalabas pa tayo ng wala sa oras. " napahagikgik na lang si Lian.

After ng klase namin ay dumeretso kami sa cafeteria. Hindi namin kasama ngayon si Hayley nasa clinic siya, masama daw ang pakiramdam. Nag-order lang kami ng coke in can and a snack since hindi naman kami gutom.

" So bae, let's talk about Hayley now. May kakaiba sa kanya eh. " paninimula ni Lian and I must say na she's right.

" Sa tingin mo ba? Dapat nating kausapin si Hayley 'bout that? " tanong ko.

" Not now bae. We gave her time to reconcile and everything, we just need to wait untill she tell us what's really wrong with her and what's bothering her that she needs to be like this. " napatango ako.

She has a big point here. Hinihintay lang naman na magsabi siya sa amin eh, atsaka ayaw naman naming makielam baka kasi hindi niya kami kailangan at iba pa.

Nang matapos ang break namin ay dumeretso na kami sa next subject namin but before that binisita muna namin si Hayley sa clinic at nadatnan namin siyang tulog kaya hindi na namin pa ginising.

Matapos ang mga klase namin ay umuwi na kami. Hapon na ng makarating kami sa condo dahil dumeretso pa kami sa Mall para bumili ng mga materials para sa requirement sa isang subject namin.

Pagkarating namin ni Lian sa condo ay nadatnan namin si Hayley na kumakain sa sala habang nanonood. Nauna na siya sa amin dahil pagod daw siya kaya pumayag na kami since may dala naman siyang kotse.
Ngumiti siya sa amin.

" Dala niyo ba yung pinapabili ko? " tanong niya bago kasi kami umalis sa mall ay nagtext siya na gusto niya raw ng white chocolate.

Kahit ano daw basta white chocolate. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang trip neto sa buhay eh. Nakakatakot talaga itong babaeng ito kapag nabroken heart. Ganyan ba talaga kapag broken hearted? Pagkain ang karamay? Inilabas ko ang mga chocolate sa plastic bag atsaka binigay sa kanya kaya ngumiti siya sa amin.

" Thank you mga bae. " saad niya then agad binuksan ang mga chocolates, pagkabukas nuya ay nilagay niya lang ito sa platito at pinagmasdan.

" Isn't their cute? " wika niya na parang bata. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Sanay na ako oh scratch that, sawa na ako.

Para siyang baliw sa totoo lang. These past few weeks lagi na lang siyang nagpapabili sa amin ng kung ano- ano tapos kapag nabili na namin eh aayawan niya na. Yung totoo? Naglolokohan ba kami dito? Pero iniintindi na lang namin.

Habang nakaupo kami ni Lian sa couch si Hayley naman ay nasa lapag at kumakain ng saging.

" Bae may ketchup ba pa tayo? Imposible namang maout of stock tayo. " wika ni Hayley habang nakatuon ang atensyon sa pinapanood.

" Meron naman dyan ah? Naglinis ako kahapon, nakita ko sa cabinet yung ketchup. " wika ni Lian.

" Ah? Ganun? " saad ni Hayley ng walang emosyon.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon