Iminulat ko ang mata ko at ceiling agad ang nakita ko. Inilagay ko ang kamay ko sa noo ko para hilutin ito.Fuck! Ang sakit ng ulo ko.
Tumayo ako at tumingin sa gilid ko ng magulat ako sa nakaupo sa gilid ko.
" Balak mo ba akong patayin sa gulat Hayley? Ang sakit na nga ng ulo ko eh. " pinikit ko ang mga mata ko tsaka ako nakatanggap ng batok galing sa kanya.
" Hoy babae! Alam mo ba ang nangyari kagabi?! " singhal nito sa akin kaya napakunot noo ako.
" Oh? Ano namang nangyari kagabi? " tanong ko rito. Akmang babatukan niya ulit ako nang ilayo ko ang sarili ko sa kanya.
" Mangaano ka pa eh. " inis na wika ko kaya napakamot na lang siya ng ulo.
" Tignan lang natin kung hindi ka magfreak out sa nangyari kagabi. " lumiit ang mata ko.
Bakit ano bang nangyari kagabi? Umulan ba ng pera?
" Ano ba kasi ang nangyari kagabi? " naguguluhang tanong ko.
" Nakita ko lang naman na lumabas ng kwarto mo si Liam kagabi. " awtomatikong lumaki ang mga mata ko at lahat ng nangyari kagabi ay bumalik sa akin isa isa.
Uminom ako at may nang-ano sa akin kagabi at pinagtanggol ako ni Liam then hinatid niya ako pauwi then binuhat niya tapos dinala niya ako sa kwarto ko at....
You always know how to hurt me and you're always the reason why I always break my own rules. Ano bang gagawin ko sayo?
Then he ... he kissed me.
Napapikit ako at napasabunot sa buhok ko.
" Ang tanga mo Nicole! Tanga! " umupo si Hayley sa tabi ko.
" Ano ba kasing nangyari kagabi? Paano napunta yun sa kwarto mo? " nagugulumihang tanong nito sa akin.
" I was drunk then he... fuck! Ang tanga ko! " umiling ako at pinokpok ng ilang beses ang ulo ko.
Naramdaman kong tumayo si Hayley.
" Ang tanga mo nga! Inom pa kasi tsk. Tumayo ka na dyan. May pasok ka pa! " parang nanay na utos nito.
" Hindi na muna ako papasok. " nakasimangot na saad ko. Pero inismiran niya lang ako.
" Hindi ka papasok? " tanong niya kaya tumango ako.
" Gusto mo neto? " wika nito at itinaas ang kamao niya.
" Hayley... " mas lalo niya pa itong itinaas.
" Tatayo na nga ako eh. Maliligo na. " inis na tumayo ako at kinuha ang towel.
" Susunod ka naman pala. " i just make face.
....
Padabog akong umupo sa swivel chair ko. Gosh! Paano kung bigla siyang pumunta dito? Paano lo siya iiwasan? Paano kung magtanong siya sa past namin?
Biglang may kumatok sa office kaya agad kong inangat ang ulo ko para makita kung sino ito. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman na si Mang Kanor lang pala ito, ang namumuno sa mga workers.
" Ma'am Nicole, nasa labas po si Sir Liam kausap po si Engineer. Kailangan ka daw po roon. " agad na napataas ang kilay ko.
" About the blue print? Pakisabi po Mang Kanor na ibigay na lang sa akin para pag-aralan ko. Marami pa kasi akong ginagawa rito. Marami pang kailangang tapusin. " tumango naman ito at nagpaalam.
Isinandal ko ang ulo ko. Ano pa bang gagawin ko? Eh natapos ko na lahat ng kailangang tapusin nang minsang magovertime ako. Tsk. Kinuha ko ang cellphone ko para idial ang number ni Yohan. Matapos ang ilang ring ay sumagot din ito.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomanceA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...