" Maam Nicole, gumising na ho kayo. Baka mapagalitan kayo ni madam. " pangungulit ni Allysa anak ni Manang.
" Hhhmm... " ungol ko at tumagilid para yakapin ang unan.
" Ma'am Nicole. " pinilit kong buksan ang mga mata ko pero hindi eh, inaantok pa rin talaga ako.
" Sige na Ma'am tumayo na po kayo. " kaya napipilitang iminulat ko ang mga mata ko at pinilit na umupo.
" Pasensiya na ho Ma'am Nicole kung naistorbo ko ang pagtulog niyo, ngayon po kasi ang first day niyo sa E.C.U ba yon..... Ahm ano na naman kasing tawag dun?! " napakamot naman siya ng ulo kaya natawa ako.
" E.S.U " pagtatama ko sa kaniya at tumayo.
Lumingon ako sa kanya at nagsalita.
" One more thing Allysa, please stop calling me Ma'am. Nakakatanda masyado. Ate na lang. Mas matanda naman ako sayo. " nakangiting wika ko kaya nakita ko ang pag-aalangan niya.
" Eh Ma'am baka po kasi magalit si nanay. " nahihiyang sagot nito kaya tinignan ko siyang mabuti.
" Wag mo ng pansinin si Manang. Basta magmula ngayon dapat ate na ang itawag mo sa akin. Sige ka magagalit ako sayo. " pagbabanta ko kaya tumango na lang siya.
" Kayo po ang masusunod Ma'am este ate. "
" Better. " nakangiting saad ko at kinuha na ang towel at undergarments ko.
Pumunta na ako sa banyo and do my morning rituals. And then after that dumeretso na ako sa dining area.
Nadatnan ko si mona kumakain.
" You're five minutes late darling. " mom said.
Lagi niya kasi akong ino-orasan, hindi daw dapat mabagal ang isang babae.
Tsk. So kapag matagal hindi na babae? Strikto kasi si Lola kaya nasanay na si Mommy kaya pinapasa niya na sa akin. As if naman na gusto ko.
" Morning mom. " I kissed her cheecks, seat beside her and eat my breakfast.
" Pagkatapos mo diyan, si Mang Berting na ang maghahatid sayo. I have an important meeting to attend. By the way, Political Science ba ang kinuha mong course sa E.S.U? " umiling ako.
" No, mom. Business Management po ang kinuha ko since you kept on asking me that. " walang ganang saad ko.
Napangiti na lang siya and we continue eating our breakfast. Seeing her smile makes me happy too.
Nang makarating ako sa school ay bumaba na ako para tawagan si Hayley.
" Hayley where are you now? " tanong ko.
" At the gate. Why? "
" Nandito ako sa may fountain. Hihintayin kita dito. " saad ko at pinatay na ang tawag.
Inilibot ko ang paningin ko at tinignan ang kabuuan ng school. Napatango na lang ako sa mangha.
It's not bad after all. Wala pa rin naman siyang pagbabago simula ng bumisita ako dito kasama siya.
Kung meron man, ito ay ang panibagong building na kung hindi ako nagkakamali ay cafeteria ng school na ito." Bae! " napatingin ako sa tumawag sa akin and found Hayley running towards me.
Nang makarating siya ay napansin kong hingal na hingal ang loka loka.
" Hindi ko alam na ganito pala kalawak ang school na ito. Grabe! Iba ito sa dating school natin. " napatango na lang ako kay Hayley bilang tanda ng pagsang-ayon ko.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomanceA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...