Chapter 35

44 5 0
                                    

" I wish I was your favorite hello and your hardest goodbye. "

----------------

Agad akong tumayo at niyakap siya.

" Ang sakit sakit pala... ang sakit. " nahihirapang wika ko. Niyakap niya rin ako pabalik gamit ang isang kamay niya.

" Sinabi ko na sayo na masasaktan ka lang. Ang tigas talaga ng ulo mo. " hindi ko na siya pinansin at niyakap na lamang siya.

" Halika na, umalis na tayo. " wika niya.

Tumango ako. This will be the best option for me... ang umalis.

...

" Yes Hayley. Nakarating na kami. Don't worry. " natawa ako sa sinabi niya.

" Okay. Tatawag ako mamaya. "

Tumango ako at pinatay na ang phone. Umupo ako sa kama ko at isa-isang inayos ang mga gamit ko. Habang nag-aayos ako, nakita ko ang isang box na maroon. Kinuha ko ito at binuksan then I saw pictures. Pictures of us together.

Nilagay ko ito sa pinakailalim ng closet ko.

" Nicole? " rinig kong tawag sa akin ni Ken kaya binuksan ko ang pintuan.

" Lalabas kami ni Yohan para pumasyal, gusto mong sumama? " tumango ako.

" Sure. " kumunot ang noo niya.

" Are you sure? " natawa ako.

" Ofcourse. I'm not the type whom will lock myself up. " pinilit kong ngumiti just to assure him.

" Okay. " wika niya at umalis na.

Agad kong kinuha ang coat ko at sumunod na sa kanila.

...

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot.

" H..hello? "

" Nicole... ayoko na sanang sabihin pa sayo ito pero kasi... "

" What Lian? Ang aga-aga napatawag ka? "

" Nicole... Liam is... si Liam.. "

Agad akong napabangon at kinutuban. No... wag naman sana. Not anymore please.

" What Lian? " nanginginig kong saad.

"  Naaksidente si Liam Nicole. Kaninang bandang 6. "

Agad akong nanlamig. What?

" O..okay lang ba siya? " hindi ko alam kung bakit parang naninigas ang mga paa ko.

" I dont know. We are here at the hospital. Nasa ICU siya. "

" Paano? " nanghihinang tanong ko.

Before kami umalis, masaya na siya diba? He even gave me a closure. So what happened?

" Ahm... if I'm not mistaken, he went to our condo and ask of you. Tinatanong niya kung pwede ka daw bang makausap but knowing Hayley, nakipag-away muna siya bago niya sabihing umalis ka na. At nang malaman niya na umalis ka na he suddenly run. Then this... naaksidente siya. Nakabangga niya ang isang truck. Ghad! It happened so fast bae. "

Pumikit ako to compose myself.

" Si Nicole ba yan, Lian? ... akin nga. Nicole? "

" Hayley? " rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

" Are you okay? "

" No. Hangga't hindi ko nasisigurong okay nga siya I will never be okay. Bae... nawala na sa akin si Daddy wag naman sana pati siya. This is so unreasonable! " I exclaimed.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon