It's been three days since the day we have known that Hayley is pregnant. At sa loob ng tatlong araw na iyon walang ibang ginawa si Hayley kundi ang umiyak ng umiyak, wala rin kaming ibang ginawa kundi ang patahanin siya dahil makakasama ito sa baby. Hindi namin pinagsabi ang kalagayan niya ngayon katulad ng gusto niyang mangyari.
Pumayag na rin kami dahil it's not our story to tell. Nagbakasyon muna siya sa probinsya nila at nagpaexcuse sa lahat ng subject niya for 1 week. Gusto niyang hanapin ulit ang sarili niya kaya pinayagan na namin pero may hiling kami sa kanya, ito ay ang alagaan niya ang sarili niya para sa baby niya.
At kung si Liam naman ang pag-uusapan natin? Hindi ko alam. Ako na girlfriend niya ay hindi alam kung ano bang ginagawa niya. Sa kadahilanang hindi ko rin alam. 3 weeks mahigit na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Hindi ko alam kung kami pa ba? O baka cool off na. Hindi naman kasi ako nainform na makikipaglong distance relationship pala ako eh di sana nakapaghanda ako and take note, na walang communication.
Ano naman daw iyon?
If he dont call me all day, I'll understand. If he dont text me all day, I'll understand also. When I stop loving him, I hope he'll understand. Fishtea!
Umayos ako ng higa at tumihaya. Nakatingala lang ako sa ceiling. Parang ayokong bumangon, nawalan yata ako ng lakas ngayong umaga. Balak ko sanang ipikit ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na pagkatok ni Lian.
" Bae, gumising ka na dyan! " she shout at the top of her lungs and wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo at mag-ayos.
" Kung hindi pa kita sisigawan doon, you won't come out. Tsk what the hell is going on?!" natawa na lang ako sa inusal niya.
Sabay kaming pumasok sa school at hinatid niya rin ako sa first subject. Umupo na ako at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Iniisip ko kung bakit ang gulo na ng lahat.
Maya-maya ay dumating na rin ang kalbo naming guro.
Hanggang sa matapos ang lesson niya ay wala ulit akong naintindihan. Simple lang, wala kasi sa kanya ang atensyon ko. Nagpaalam ako kay Lian na uuwi na lang muna ako kasi masama ang pakiramdam ko. Anong say naman kung present nga ako wala namang pumapasok sa utak ko.
Useless.
" Okay. Take care bae, okay? Don't worry I'll excuse you to all your subject. " she said then I just nod.
Nang makarating ako sa bahay ay sumalampak ako sa couch. Inaalala ang mga nangyari kanina lang bago ako lumabas ng gate.
" I heard nagkabalikan na daw sila Liam and Aliyah eh. Didn't you heard that news? Try mong magbukas ng instagram noh? Nastuck lang naman kasi sa facebook. Maglevel up ka naman kasi! " wika ng isang babae.
Hindi ko sila pinansin dahil halata namang pinaparinggan lang nila ako because they are bitter towards my relationship with Liam.
" Ganun ba?! Eh paano si... you know, " takang sagot naman ng isa.
And who the hell is Aliyah? Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglabas ng gate. Tsk bitch gossipers.
Ipinilig ko ang ulo ko at isinawalang bahala ang sinasabi nila. They are just insecure. Tumayo ako at huminga ng malalim.
" Tiwala lang Nicole. Hindi ka sasaktan ni Liam. " wika ko to remove the uneasiness I'm feeling.
Hindi ka sasaktan ni Liam kasi mahal ka niya. Sinabi niya iyon and he proves it with action. So ano pa ba ang gagawin ko kundi ang magtiwala lang. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref kumuha ako ng snacks at kinuha ang laptop ko.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomanceA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...