Chapter 31

68 4 0
                                    


How much pain do you have to go through untill giving up is okay?

------------

Umuwi muna ako sa mansion. Nagpaalam na ako kay Lian okay lang daw since may balak siyang bumisita sa magulang niya. Malapit na akong magraduate kaya konting hinga pa. I decided to spend my weekend at the mansion. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch at napagdesisyunang pumunta sa pool area. Umupo ako sa gilid nito at ibinabad ang mga paa ko sa tubig.

Nakatingin lang ako sa tubig ng mapansing may tumabi sa akin. Pag-angat ko ng ulo ay nakita ko si Francis with his corporate suit. Hindi ko siya pinansin kasi ayaw ko na naman ng gulo, tama na yung mga nangyari sa akin kahapon at mga nagdaang araw. We stayed silent for an hour untill he spoke.

" Kamusta ka na? " hindi ako sumagot at nakatitig lang sa tubig. I dont want to ruin my mood so I remain silent pretending he's not here.

" Your mother's boyfriend is one of my friend way back in high school. Lawrence Matsumoto. Kilala ko siya kaya panatag ako na hayaan ang mommy mo sa kanya. He's kind and he is worth your trust. Kaya masaya ako. " I can't help but to feel a little guilt but I stand on my ground. Hindi ko pa rin siya pinansin.

" Nalaman ko sa mommy mo ang pinagdadaanan mo anak, I'm sorry for not being a father to you. I won't ask for forgiveness because I know what I did is unforgivable but would it be too much to ask if I want us to forget the past just for today? Ceasefire muna? You see, I'm old now and I dont even have a memories with you. " I remain silent.

Kahit na gusto ko ng sumabat. Its like he's saying that he'll die. Tsk! Old hag!

" Just for this once Nicole bago ako umalis. " natigil ako sa paggalaw ng paa sa ilalim ng tubig.

Napatingin ako sa kanya and I saw him looking up the sky with a tears escaping his eyes.

" That's good to hear. States? Africa? You should go to Korea para naman exciting yang vacation mo. " pinilit kong ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit parang naninikip ang dibdib ko. Hindi dapat ako nagkakaganito, he's nothing so why am I feeling this way? Bakit ako nasasaktan? I should be happy because finally he will stop bugging me pero bakit ko nararamdaman na anak niya ako at tatay ko siya.

Matagal ko na siyang kinalimutan kaya dapat lang na hayaan siya but the thing is I can't control my feelings. Hindi ko pwedeng sabihin na wag kang malungkot dahil wala lang naman siya sa buhay mo.

I saw him smile then later on laugh.

" Ganun na nga. Vacation... yes parang ganun na rin yun. " lumingon siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

" I'm sorry. " sabi niya na parang ngayon niya lang nahawakan ang kamay ko kaya tumulo yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Umiling ako.

" Dati baby pa yang kamay mo pero ngayon halos magkasinglaki na tayo ng kamay. " he said and I bite my lower lip to stop myself for sobbing.

" I'm sorry for everything. I definitely know I am one of the reasons why you are crying. I'm sorry Nicole. I have always been so proud of you. Every graduation you had since elementary and highschool I was there standing from a far wearing a smile on my face. I'm so happy seeing you smile yet I'm in pain seeing you crying. Kahit na tinalikuran ko kayo ng mommy mo noon, hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa inyo. I was blinded that time. I'm a big coward. Kaya ngayon pinagbabayaran ko na ang ginawa ko. And I know, hindi sapat iyon para mabayaran lahat ng kasalanan ko sa inyo. I love you Nicole please do remember that, kahit na mawala ako sa mundong ito, mamahalin pa rin kita kasi anak kita. Just promise me that you'll overcome this. " he said while caressing my cheeks and wiping my tears. Inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko at hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon