" Arghhhhh... ang sakit talaga ng ulo ko! " ngawa ni Hayley.Hindi ko na lang siya pinansin at inayos ang pagakakatali ng buhok ko. Napangiti ako ng maalala ang usapan namin kagabi ni Liam.
" Makangiti to? Eto ang tatandaan mo Nicole! Walang forever! " I just rolled my eyes in irritation.
" Merong forever! Forever bitter. " natawa na lang din siya sa sinabi ko.
" By the way, mauuna na muna ako bae. May pagkain dyan sa ref at bumili na rin ako ng cake. " kumunot naman ang noo niya.
" Anong okasyon? " I just smile at her at binuksan ang pintuan.
" Okasyon? Well, kung masasabing okasyon ang pagkagising ng kaibigan ko sa katangahan... you can say that. " and before niya pa maibato ang remote ng tv sinarado ko na ang pintuan at tumakbo.
.....
Nang makarating ako sa bahay namin ay agad akong pumunta sa kusina at hindi nga ako nagkamali ng makita si Mommy na nakatilod sa akin habang naghihiwa ng sibuyas.
Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. I missed her.
" You're here. " she stated kaya tumango ako.
" Anong ginagawa ng maganda kong Mommy? " natawa naman siya sa sinabi ko.
" Napakabolera mo talagang bata ka. " I kissed her on her cheeks.
" Bakit hindi ba? " ngumiti lang ito.
" Go to the table I'll just finish this. "
" Tulungan ko na po kayo. "
" Wag na at baka masugatan pa yang kamay at magkaroon pa ng sunog sa kusina. The last time I check the kitchen was a total mess when you decided to cooked. " natatawang sabi nito kaya napapout ako.
" You're so mean Mom. " hinalikan niya ako.
" Just go honey. "
Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Umupo ako sa dining table at makalipas lang ng ilang minuto ay nasa tabi ko na si Mommy.
" Eat this. Kumakain ka pa ba anak? Nangangayayat ka na ah? " wika ni Mommy habang lagay ng lagay sa pinggan ko.
" You should eat too Mom. And besides walang araw na nagutom ako kasi alam yung bago naming kaibigan ni Hayley? She's a good cook lagi kaming pinapakain nun. " kwento ko kaya napatango ito.
" Then why are you suddenly skinny? " nakataas kilay na tanong nito.
" I'm a woman Mom. I have a figure to watch. " she just eye me in confuse.
" Why? May boyfriend ka na ba? " napayuko ako sa tanong niya.
Hindi ba siya mabibigla kung sabihin kong meron na nga? Well, as far as I can remember I was crazily inloved with Jasper that I even committed suicide.
" Silence means yes. " hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
Why are you suddenly so coward Nicole?
" Are you honey? Do you have a boyfriend? Come on, tell me I won't bite. " napatingin naman ako kay Mommy sa sinabi niya.
I noticed how her face is so serious right now. Alam ko naman ang dahilan eh. She's afraid because the last time I went in a relationship I became a total mess. And as a mother she doesn't want me to undergo that state again.
I took a deep breath and look at her eyes and I slowly nod my head as a sign of my yes. Yung kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng isang ngiti sa labi. She held my hand and squeezed it.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomansA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...