Chapter 4

62 10 0
                                    


" Maiwan ko na muna kayo dito. Parating na ang kameeting ko. Kayo na ang bahala. " saad ni Mommy at umalis na.

Nandito kami ngayon sa mall, para bumili ng gamit namin sa E.S.U. Natuloy talaga ang pag-aaral namin dun and I guess this is my punishment.

" Overnight mamayang gabi, wag mong kalimutan ah? I'll fetch you. Pupunta lang ako dun sa boutique. " wika niya at umalis.

Tumango lang ako sa kanya at nagsimulang lumakad. Habang lumalakad ay hindi ko mapigilang maalala siya. Lagi kami dito noon, naglalakad habang magkahawak ang kamay.

Nagtatawanan.

I miss those times.

Nakita ko ang fast food na lagi naming pinagkakainan. Umupo ako dun at inalala ang mga panahong meron siya sa akin.

" Hindi ka kumakain ng ganito diba? " tanong niya kaya tumango na lang ako.

" Ang sweet ah? " natatawang asar ko sa kanya kaya sinubo niya sa akin ang naislice niya na beef.

" Kumain ka na lang. " napapout na lang ako.

Habang kumakain ay may dumaang babaeng halos makita na ang singit sa ikli ng short. Tsk. Lumingon ako kay Jasper na ngayon ay nakatingin doon.

" Baka gusto mong lapitan? " sarkastikong tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

" Pwede ba? " wika nito kaya mas lalong tumaas ang kilay ko at humigpit ang hawak ko sa tinidor.

" Pwede naman. " tumatangong wika ko.

Tatayo na sana siya nang magsalita ulit ako.

" Kapag umalis ka diyan sa kinauupuan mo Jasper, sinasabi ko sayo dudukutin ko yang mata mo. " pagbabanta ko kaya tumikhim siya at umupo ulit sa harapan ko.

" Sabi ko nga uupo na ako. Ikaw naman baby, tumayo lang ako para bumili ng juice eh. " tinignan ko siya ng mabuti at nakita kong nakangiti lang siya na para bang sayang-saya siya sa nangyayari.

Tumayo ako at padabog na nilapag ang tinidor na hawak ko.

" Ako na. Mamaya iba ang makuha mo. " reklamo ko kaya natawa siya.

Ang saya niya. Tsk.

" Baby... " paglalambing niya kaya inismiran ko lang siya.

" Babyhin mo mukha mo! "

Tumayo ako at umiling. Umalis ako sa fastfood. Pinunasan ko ang luha ko. Bakit ko pa ba siya inaalala? I should forget him now in order to survive.

" You deserve to be with somebody who makes you happy. Somebody who doesn't complicate your life. Somebody who won't hurt you. "

I remember him saying that. Tsk. Lies. Somebody who won't hurt me and he said it's him. But why the hell, am I hurting? Why does he keep on hurting me. Though it's not his intention I cant help but to feel like that.

Napahinto ako nang malaman ko kung saan ako dinala ng mga paa ko. Sa isang lugar kung saan ako nagtampo noon sa kanya. Sa lugar kung saan pinakita niya sa akin na ako lang ang babae sa buhay niya at wala ng iba bukod sa nanay niya.

The place where I started planning my future with him. Kung saan napatunayan ko na siya na talaga at hindi niya ako sasaktan.

But I guess, I was wrong. I was wrong thinking he'll stay. I was wrong planning my future with him because he left me anyway. I was wrong for giving him my whole heart leaving nothing to myself.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon