Chapter 36

34 2 0
                                    


   " You lose yourself trying to hold on to someone who doesn't even care about losing you. "

----------------

   ❕ T W O  Y E A R S  L A T E R . . . ❕

" Lunch? " napatingin ako sa kanya.

" I'm busy Yohan. " wika ko at tinuon na ang atensyon sa mga papel.

" Tsk. Hindi pwedeng hindi ka kumain. Gusto mo bang mapagalitan na naman ako ng kuya mo? " nakabusangot niyang saad kaya natawa ako.

" Paano kung sabihin kong oo. " nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

" Ah ganun? Eh paano kung buhatin na lang kaya kita? " wika niya ng seryoso.

" You can't do that. " nakangiting wika ko.

" I can't? " binagsak ko ang ballpen na hawak ko sabay tayo.

" Fine. " agad naman siyang natawa.

" See? I can tame you. Si Ken lang ang walang tiwala sa akin. " nasisiyahang wika niya.

" Hindi rin. " pagkontra ko.

" Deny it all you want Nicole but you can change the fact that you're following me right now. " he said and I just find myself nodding sarcastically.

" Okay... okay if that'll help you sleep at night. " I said. He look at me agape.

" Sigurado ka bang hindi ka pa kumakain? " tanong niya but I choose not to respond.

" ... because you sure are full of sarcasm. " I just smirk at him which he return with a lop sided grin.

Pakadating namin sa restaurant ay agad na kaming umorder.

" So how was your case? " pagsisimula ko.

" Well... okay lang naman. I have a feeling na maipapanalo ko siya. " tumango tango ako.

" Confidence eh? " natawa siya at ginulo ang buhok ko.

" Kumain ka na lang nga. " natawa naman ako.

Habang kumakain ay may nakita akong nakacheckerd na lalaki. Tinignan ko ng mabuti ang mukha niya and later on I was suddenly disappointed.

" Hey! You okay? " napatingin ako kay Yohan atsaka tumango.

" Yeah. May naalala lang ako. " tumango tango siya.

" By the way, yung number nang kasama mong model... nakuha mo na? " napasmirk ako.

Bukod sa isang CEO ng company ni Daddy I'm also a part time model. Nakiusap lang sa akin si Yohan nang magkaroon ng event and since nagback out yung isang model ako muna ang pumalit and later on nagustuhan ko na rin.

" Wala ka bang tiwala sa akin? " pinaningkitan niya ako ng mata.

" Nakuha mo?! " nakita ko ang unti-unting pagfoform ng ngiti sa labi niya.

" Hahaha... give it to me baby! " sigaw niya kaya napatingin sa amin ang mga tao.

" Sssshhhh! " pagsasaway ko sa kanya at sumeryoso naman siya.

" Ibigay mo na kasi. " I smirk.

" One condition. " tumango naman siya.

" Don't hurt her. Kung may balak kang ligawan siya, ligawan mo siya dahil may nararamdaman ka sa kanya. Wag mo siyang ligawan dahil sa katawan niya. " seryosong saad ko at narinig ko ang pagtawa niya.

" Hahaha... come on Nicole. Ang seryoso mo naman. " mas lalo ko pang sineryoso ang mukha ko at nakita niya yun.

" Okay okay... I do like her. We'll see Nicole, for now give me the number. " inilahad ko ang kamay ko at inilagay naman niya ang phone niya.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon