Kinaumagahan ay lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong maligo. Nakita ko naman kaagad ang dalawa kong magaling na kaibigan na nagkakape habang nagtatawan. And if I'm not mistaken, ako ang pinag-uusapan ng mga bruhang ito.
Agad akong pumasok ng walang pasubali at sumalampak sa sofa. Agad silang napatingin sa akin at pinagmasdan akong mabuti. Unang lumapit sa akin ang ingliserang intsik na ito and take note with a malicious grin written on her lips.
Tsk kailan ba magtatanda ang mga 'to? Dati naman isang childish lang inaalagaan ko ngayon dalawa na. Geez... I'm such a lucky person. (Note the sarcasm please.)
" What happend? Share it. " nasasabik na wika ni Lian.
Agad ding lumapit sa akin si Hayley at pinitik ang noo ko.
Tignan mo itong babaeng 'to? Bigla-bigla na lang nampipitik. Problema nito? Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.
" Hoy babae! Ano?! Sinuko mo na bataan mo? " mataray niyang tanong.
Tumayo ako para batukan siya.
Aba?! Ang lakas ng apog ng babaitang ito.
" Hoy! Baka nakakalimutan mo binugaw niyo ako. " kunwaring galit na wika ko at ang babaeng ito... agad ng nag-alala dahil sa galit kunwari na galit sa mukha ko.
Hahaha gusto ko ng matawa sa itsura nila. Uto-uto. Mabilis lang siguro ito magoyo.
" That's for your own good Nicole. " tumatangong saad ni Lian.
" Own good? Hindi niyo kasi alam yung napagdaanan ko sa kanya noh! " natawa naman si Hayley.
" Why? Did he made you moan? Did he let those butterflies roam your stomach? Did he made you wild? " agad kong pinalo si Hayley.
" Ang bastos ng lumalabas diyan sa bibig mo. " natawa lang siya.
" Ibigay mo na kasi number ng pinsan mo. Promise, hindi na kita guguluhin. " binatukan naman ni Lian si Hayely.
" Pasimple ka eh. " umiling lang ako.
" Nagsawa ka na ba kay Ethan kaya pinsan ko naman ang pinapantasya mo? " natawa lang siya.
" There's nothing going on us you know. " padabog na tumayo si Lian.
" I don't believe you. " wika nito at kumuha ng tirang cake sa ref at umupo ulit sa couch.
" Really Lian. Kailan ba ako nagsinungaling sa inyo? Pag may naramdaman ako sasabihin ko agad. " napailing na lang din ako.
Nagulat kami ng itapon niya sa amin yung unang hawak niya.
" Why am I suddenly in the spotlight? Ikaw Nicole?! Anong nangyari kagabi ha?! " napapikit naman ako.
Akala ko pa naman ay makakatakas na ako kaya naman obligado akong umayos ng upo at ikwento sa kanila ang nangayari.
" And? " bitin na wika ni Lian.
Abusado ka girl ganun? Tsk.
" And the end. " napa-oh naman ang bibig ni Hayley at Lian.
Itsura nila... after ng ilang segundong katahimikan sabay na nagtilian ang dalawa.
May nakakakilig ba sa sinabi ko? As far as I know puro asaran namin ni Liam ang naikwento ko. Sabi na nga ba at iba ang utak ng dalawang bruhang ito eh.
" Hindi pa nga kayo pero ang sweet niyo na. Kainggit! " kinikilig na tili ni Hayley. Kinunot ko lang ang noo ko.
" Ano bang tinira mo? Anong sweet dun? Kabwiset nga eh. " natawa naman si Lian sa akin.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomanceA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...