Chapter 43

10 3 0
                                    

" Para kang baliw. " singhal ni Hayley habang pinapalitan ng diaper si baby Lucas.

Ginulo ko ulit ang buhok ko at inuntog sa lamesa ang ulo ko.

" Hoy! Ano ba kasing problema mo? " tinignan ko siya.

" Hindi pwede 'to Hayley. " mas lalong kumunot ang noo niya.

" Alam mo Nicole, hindi kita matutulungan kung hindi mo sakin sasabihin ang problema. Wala tayo sa guessing game, okay? " umiling lang ako at ginulo ulit ang buhok ko.

" Bahala ka nga sa buhay mo. " inis na wika niya at binuhat si baby Lucas.

" Baliw na yang ninang mo. " saad nito kay baby Lucas as if sasagutin siya ng bata.

Sinong mas baliw sa amin, aber?

Nang makaalis na sila ay agad akong pumikit. What the hell happened yesterday? Is that a dream? Aisshhhhh!!! Wag na lang kaya akong pumasok ngayon?

Tumayo ako.

Hindi. Bakit ako iiwas? I didn't do anything wrong. Eh paano kung mangulit siya? Alam ko naman sa sarili ko na may pag-asang bumigay ako.

" Hindi ka ba papasok sa trabaho mo, babae?! " sigaw ni Hayley sa kabilang kwarto. Inayos ko na ang bag ko at lumakad papuntang pinto.

" Eto na nga oh? Papasok na. " umalis na ako sa condo at pumunta sa site.

Pagpasok ko sa opisina ko nakita kong wala na ang table ni Liam pati ang mga gamit niya. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung madidismaya ba ako. Pumunta na ako sa swivel chair ko.

....

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang conference room para sa presentation ng design ng hotel. Pagpasok ko ay nagtama agad ang mata namin ni Liam pero agad din siyang umiwas with his cold eyes. Umupo ako sa upuan at nagsimula na ang presentation.

Kinuha ko ang folder na nagkalagay sa harapan ko at binuksan ito. In the middle of presentation, tinignan ko si Liam pero nakatutok lang siya sa nagsasalita. I should be relieve by now because the last time I check I want to avoid me and forget his feelings to me but right now I dont feel like that. Gusto ko sa akin lang siya nakatingin, gusto ko ako lang pero makasarili na iyon and that's the last thing I want to right now.

I sighed I guess I just have to live with it. Wala na akong magagawa kasi nakapagdesisyon na siya at yun ay ang iwasan ako. And that's the right decision because he's a married man. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa taong nagsasalita sa harapan.

Pagkatapos ng presentation ay nagpalakpakan na kami. Lumapit ako kay Eng. Ramirez.

" That was an amazing plan Engineer. I am looking forward now. " ngumiti naman siya.

" I should meet your expectations Madame. " he joke.

" You should. " tumatangong wika ko habang nakangiti.

" So when will the construction start Engineer? " wika ng baritonong boses sa likod ko.

Ayan ka na naman! Letseng puso ka. Hindi ka na nadala. Ang bilis bilis mo naman. Gusto mo bang patigilin na kita ngayon din? Tsk.

Pumagilid ako.

" We'll start tomorrow Mr. Bustamante. " tumango ito.

" Mauna na ako Engineer... " lumingon ako kay Liam at naramdaman ko ang malamig na titig niya.

" Mr. Bustamante. " pagpapaalam ko at umalis na.

The atmosphere there is very heavy... heavy for me to handle.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon