Chapter 46

13 3 0
                                    

Nanatili lang ako sa kwarto ko. Ilang buwan na ba ang lumipas? Bakit parang ang bilis ng oras? 6 months had passed pero eto pa rin ako at pinipilit na maging okay.

Lagi na lang. Sa tuwing lalapit siya sa akin umiiwas ako. Nangako ako kay Tanya eh. Sa loob ng anim na buwan ay sinikap kong iwasan si Liam kahit na nangungulit siya. There was one time na tinanong niya ako.

" Are you avoiding me? " he asked but I faked a laugh.

" Avoiding? Teka... t-tinanong mo na sa akin yan dati diba? And my answer is still the same. Why would you think that I am avoiding you? " pagkakaila ko.

" I don't know. You answer. " he said. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

" Liam listen... "

" No Nicole. You listen. " mariing saad niya.

" Diba napag-usapan na natin ito? That we'll remain like this then why? Bakit mo ako iniiwasan? " tanong niya habang nakatingin ng mariin sa mga mata ko and I had no choice but to avoid his gazed.

Bumalik ako sa upuan ko at pinagpatuloy ang trabaho ko not minding his presence waiting my answer. Ano nga bang isasagot ko? Wala naman eh.

" Nicole? Hindi ka ba lalabas dyan? Ilang araw ka ng hindi kumakain ah? " tumagilid ako at niyakap ang unan.

Matapos anmg araw na kinompronta niya ulit ako ay nagfile ako ng leave ng 3 months. Meron naman si Tom kaya hindi na ako mamomroblema sa on going construction of the hotel.

" Hoy Nicole! " sigaw niya pero inilagay ko lang ang unan sa tenga ko at pinilit na matulog ulit.

Pagkagising ko ay tumihaya ako. Bakit nga ba ako nagkukulong? Naaapektuhan ba ako sa sinabi ni Tanya? Tumayo ako at tinignan ang sarili sa salamin.

" Nakatingin ka na naman sa salamin Nicole. Tapos ano? Kakausapin mo na naman ang sarili mo? Magpapakabaliw ka na naman? " wika ko.

Iba ang inaasahan ko na mangyayari sa buhay ko dito ng mapagpasyahan kong umuwi dito sa Pilipinas. Nagulat na lang ako sa kalabog ng pintuan.

" Hoy babaeng mahilig sa drama! Kung gusto mong magkulong wag dito, dun ka sa bilibid! Langya tong babaeng ito. Sabi ko 2 months lang ako tapos ngayon nakaabot na ako ng 6 months! " natawa ako sa bunganga ng bruhang iyon.

Kinuha ko ang ponytail ko at tinali ang buhok ko. Lumabas ako at nakita sila na nakaupo sa couch habang pinaglalaruan si Lucas habang nagluluto si Ethan sa kusina.

And didn't I tell you that Ethan and Lucas met already? Okay na sila ni Hayley. Hindi ko nga alam kung paano o kailan basta isang araw. Nadatnan ko silang nag-aaway sa condo. Buhst-buhat ko nun si baby Lucas. At yun nga... imbes na mag-away pa sila pareho silang natahimik. Why? It's because Hayley looked down and Ethan was stunned.

Tapos yun. Nag-usap sila at nang matigas pa rin ang puso ni Hayley. Nagfile ng custody si Ethan. And alam naman ni Hayley na pwedeng i-grant ng court ang motion ni Ethan because Hayley kept the truth. That's why Ethan made a proposal and by that proposal alam ko na agad ang mastermind nito. Walang iba kundi si Denise. I know for sure Denise made that proposal.

At sa loob ng six months na lumipas, Ethan and Hayley are planning their wedding. See? Jusko! Andami kong namiss. Ofcourse I have my own problem.

" Hay sa wakas! You got out of your fucking shell. " wika ni Denise sabay higa sa couch habang karga karga si Lucas.

" Aba! Feel at home ka ate ha? " natatawang saad ko at umupo sa harapan nila.

" Eh hindi ka kasi lumalabas diyan sa kwarto mo habang nakaleave ka. Akala ko pa naman makakapagbonding tayo dahil bakante ka ng tatlong buwan. Tsk. Seriously what the hell is your problem?! You didn't even think of me? " I laughed when I saw her pout.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon