Chapter 18

98 8 1
                                    

Kasalukuyan kaming nasa condo. Tapos na kasi ang first sem eh. So bakasyon grande ang hanap namin.

" Lian, pakilakasan nga yung aircon please? " agad naman tumayo si Lian.

Ang init naman kasi eh.

Syempre summer kaya ganyan. Pero nakaaircon naman kami feeling lang nila na mainit eh mga baliw sila eh. Tsk.

" Nicole asan na yung iced tea na pinapagawa ko sayo? Oh my god wag mong sabihin na nakalimutan mo? Aba?! Sayang naman yung mga perang sinusweldo niyo tapos hindi kayo mautusan? Makakarating ito kay Xenon myloves... " parang reynang usal niya.

Binatukan ko nga. Parang baliw eh ang sarap hamabalusin ng remote.

" Anong drama yan? " inis na saad ko.

Ngumiti lang siya habang hinihimas ang ulo niyang binatukan ko. Tsk

" Hehe ano ka ba? Ang kj mo naman. Nagpapractice lang ako... para kapag naging mag-asawa na kami ni Xenon hindi na ako mahihirapan. " napailing na lang kami ni Lian.

" Asawa? Ni hindi ka pa nga kilala nun eh. " wika ko that made her frowned.

" Nga pala? Why dont we take ahm.... a vacation perhaps? " napalingon kami kay Lian.

" I like that idea of yours darling. " maarteng saad ni Hayley.

Tsk! Pabebe!

" Boracay? " suhestiyon ko.

" Eh bae, pangilang punta na natin dun ni Tita Pat eh. " napatango na lang ako. She has a point.

" Don't worry about that bae's haha I already talk to Tito Lawrence. Dun na tayo sa resort nila. " natawa naman ako.

" Okay! Bukas na yung alis natin. Hayley kausapin mo na lang yung boys. " tumaas naman ang kilay niya.

" Kita mo? Sino ngayon ang naguutos? " napailing na lang ako at hinawakan ang sentido ko ready na magburst out ng tumawa siya.

" Eto naman? Nagjojoke lang ako! Nagpapractice kasi ako para sa audition mamaya eh. " and with that nagmadali siyang pumasok sa kwarto niya.

Gagamitin na lang siguro namin yung mga kotse nila. This will gonna be exciting.

.....

Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay nila Ethan. Hinahanda na yung mga gamit namin. Kanya-kanya kami ngayon.

" Ano ayos na ba lahat? " tanong ko tumango na lang sila.

" Ethan kunin mo yung mga gamit ko ilagay mo sa compartment. " utos ni Hayley.

" Ano ako utusan? May kamay at paa ka! Kaya ikaw magdala dalhin mo na rin yung akin. "

Another war? Tsk nakakasawa na kaya!

Hindi pa kasi magkaaminan na may something na sila. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na meron talagang something sa dalawang yan eh.

At kung ako ang tatanungin? Gusto ko silang dalawa na lang because my dearest cousin Xenon is off limits. May asawa na siya at a young age. Tsk. Hindi sila pwede lalo na at psycho ang napangasawa ni insan. Alam ko naman na lumalabas sila ni Hayley minsan and I can see that Hayley is always the one who initiates ay pinagbibigyan lang ni Xenon. While on other hand Kath who happened to be my cousin too, Xenon's sister is Ethan's ex-girlfriend.

Kaya lang naman may naging Ethan at Hayley ay dahil bitter pa si Ethan kay Kath. So they pretend but right now I can't see the pretend thingy between them. It's pure feelings. Hindi na sila nagpapanggap they just don't like to admit themselves.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon