Chapter 48

20 3 2
                                    


Kahit na nagdadalawang isip ako sinagot ko pa rin ito. Hindi ako nagsalita at hinintay siyang magsalita pero tanging paghinga niya lang sa kabilang linya ang naririnig ko.

Then maya-maya ay nagsalita ito...

" Niiccoollee... "

Lasing ba siya?

" Bakit... bakit mo ginagawa sa akin ito? Why do you keep on hurting me? "

Lasing nga siya. Fuck! Baka kung anong mangyari dito.

" Asan ka Liam? " I heard him laugh.

" Now you're concern. Bakit? Dahil ba lasing ako? Hahahaha  ... dahil kapag nagdrive ako baka maaksidente ako. Fuck this life. I'm gonna get drunk untill I forget everything about you. You're killing me wifey. You're killing me..."

And with that he hang up. Agad akong tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko. Nababaliw na ba siya?

" Fuck. " mura ko ng makasakay ako sa kotse.

Where could this jerk be?

Nasuntok ko na lang ang manibela ng hindi ko siya mahanap sa lahat ng bar na pwede niyang puntahan. Maliban na lang sa isa. Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bar na alam ko.

Ang bar kung saan ako nalasing noon. Nang makarating ako doon ay agad kong pinark ang sasakyan ko at lumabas.

Pagpasok ko ay sinalubong ang ng transe music. What the heck! Ang sakit sa tenga. Nilibot ko ang paningin ko peri hindi ko siya mahanap. Pumunta ako sa counter at tumingin ulit at hindi nga ako nagkamali. Lumapit ako sa kanya at inalis ang kamay ng higad na ngayon ay lumalakbay sa legs niya.

Tinaas ko ang kilay ko sa kanya ng tignan niya ako ng masama. Tinignan ko si Liam at ngayon ay nakatingin sa akin ito looking amuse. Lasing na siya dahil sa mapupungay na mga mata niya. Pinipilit niyang buksan ang mga mata niya.

" Who are you?! " singhal ng babae sa akin but I just smirk.

" This man is already taken. So back off! " singhal ko. Unismid lang yung babae at umalis na.

Tinignan ko si Liam na ngayon ay nakangiti.

" Mas maganda sana kung sinabing mong pag-aari mo ako. " wika nito.

Kinuha ko ang kamay niya at pinating ko balikat ko. Inangat ko siya pero ang bigat niya.

" UMAYOS KA NGA! " sigaw ko kaya tumayo siya.

Inalalayan ko siya papuntang sasakyan at nang makasakay na kami ay agad kong pinaaandar ito.

Nang makarating kami ng bahay niya. Huminga ako ng malalim at tinignan siya. Ginising ko siya pero hindi siya kumikibo.

" Liam nandito na tayo sa bahay niyo. " naramdaman ko ang paggalaw niya.

" Bakit ba parang madali lang lahat ng ito sayo? " kinilabutan ako sa lamig na boses niya.

" Why are you so heartless? " pinikit ko ang mga mata ko at piniling wag na lang magsalita.

" Sa tuwing kasama ko si Tanya, you seem happy for us. Is it over? Is it over for the both of us? How shallow was your love for me, Samantha? " tinignan ko siya.

Minamaliit niya ba ang pagmamahal ko sa kanya?

" Are you belittling my love? To what extent my love is? Just because I stayed calm after seeing the both of you together you'll question my love for you? Is that how you measure love? You two are married. Ano bang gusto mong maging reaksyon ko? Do you wanna hear me whine? Do you wanna see me bleed? Is that what you want? " he laugh tsaka siya humarap sa akin.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon