Chapter 21

29 5 2
                                    

" May mga tao talagang kaya kang PAKILIGIN pero hindi ka kayang IBIGIN. " wika ni Hayley habang nakahawak ng libro.

" Ano na namang drama yan? " tanong ko sa kanya. And she just smiled.

" Hindi drama yun! May nabasa lang talaga ako. Ang oa mo naman. " sinimangutan ko na lang siya.

" Oh what's with that face of yours darling? " asar ni Hayley kaya mas lalo akong sumimangot.

" Seryoso! Anong meron sayo? " tanong niya.

" Liam's mom wants to meer her. Exciting isn't it? " wika ni Lian na kalalabas lang ng banyo.

" Exciting?! Niloloko mo ba ako? Hoy koreanang hilaw sino naman ang maeexcite ng ganun?! Paano kung masungit siya?! Paano kung hindi niya ako nagustuhan?! Mamaya paghiwalayin kami ni Liam katulad sa mga nangyayari sa telenovela. " agad namang tinapon ni Lian ang suklay na gamit niya sa akin, buti na lang nailagan ko.

" Nood pa more! " sabi niya habang umiiling at inaayos ang buhok.

Napansin ko namang napahinto si Hayley sa ginagawa niya ng may mabasa siya sa cellphone niya.

" What's the matter, Hayley? " tanong ko pero nanatili lang siyang nakatulala kaya minabuting lapitan ko na lang siya.

" Si Ethan. " kumunot naman ang noo ko.

" Oh? What about Ethan? " tumingin siya sa akin na may namumuong luha sa mata.

Agad namin siyang nilapitan at niyakap.

" Hayley, anong nangyari kay Ethan? " pero instead na sumagot siya ay umiyak na lamang siya.

Ano bang meron kay Ethan bakit nagkakaganito si Hayley. Don't tell me?...

" Naaksidente siya? " before ko pa matanong ay nauna na si Lian.

" No... he's gone. " awtomatikong lumaki ang mga mata ko.

He's what?

" Patay na siya Hayley? " hindi makapaniwalang saad ko.

Mas lalo namang umiyak si Hayley. Nagjojoke lang naman ako.

" Not literally. " tumango naman kaming dalawa ni Lian.

" So he's back in Canada for good? " tanong ko at tanging tango at hikbi na lang ang sinagot niya.

" You love him. " wika ni Lian.

Akala ko ako lang ang nakakapansin pati din pala siya. Umiling naman si Hayley. Tsk sige ideny mo pa... halata naman.

" Hindi naman sa ganun. Sadyang nalulungkot lang ako. Kaya pala nakipagbreak siya sa akin kagabi kasi mapapaaga ang alis niya. Kung break pang maituturing yun. Ni hindi niya man lang naisipang magpaalam sa akin. Well, hindi ko naman siya masisi... I'm just his fake girlfriend. " wika niya.

And bitterness is visible in her tone.
Napabuntong hininga na lang ako. Naaawa ako sa kanya. Dahil ayaw niyang masaktan, ikinakaila niya na lahat pati nararamdaman niya, kailangan niya pang itago maprotektahan lang ang puso niya na minsan ng nasaktan.

" You love him Hayley, you're just denying it. Admit it. Accept it. Kasi kung hindi mo gagawin yun, ikaw lang din ang masasaktan. I'm not doing this, dahil ayaw kita para kay Xenon. I'm doing this in favor of you. So please, stop being selfish and face your fears. " pinunasan niya ang luha niya at tumawa ng kaunti.

Nakatingin lang kami ni Lian sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

" Listen Nicole, a love that started in a lie, will eventually end up in heartbreaks. I'm just fond of him... I admit mahal ko siya but not in a romantic way o yung iniisip niyo. I'm not out of my mind yet. So, let's move on and just forget this topic. Its his choice not mine. " nakakunot noong tinignan ko siya habang umaalis.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon