Chapter 12

92 10 0
                                    


Nakaupo ako ngayon sa couch. Kakatapos lang ng BD namin nila Lian at Hayley at ngayon ay nandito kami sa sala. Kanina pa ako kinakabahan. Tototohanin kaya iyon ni Liam? I mean... susunduin niya ako dito?

At ano namang gagawin namin? Kami lang bang dalawa? What the hell! I'm going insane here.

" Pumirmi ka lang nga diyan Nicole at nahihilo ako sayo! Para kang uod na binudburan ng asin. " naiinis na saad ni Hayley pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

" What is your problem Nicole? I'm getting dizzy too. " reklamo rin ni Lian.

Napabuntong hininga naman ako.

Maybe I should voice out my concern after all they are my bestfriend. Sure they'll tease me first but I'm sure they can make me feel relaxed eventually.

" Ahm guys... " napatingin naman sila sa akin.

" I think Liam is asking me out. " wika ko at hinintay ang reaksyon nila ng pagtutol pero natawa lang sila.

" And? "

" So? "

Sabay na wika nila. Kumunot ang noo ko. Okay? Hindi sila magagalit ng konti? O pagbabawalan man lang because Liam is a heartbreaker?

" You won't warn me? " naguguluhang tanong ko pero sumalampak lang si Lian sa couch sa tabi ko at inakbayan ako.

" Why would we warn you? Liam is a good guy though he's too handsome for you. " agad kong pinalo si Lian kaya natawa naman si Hayley.

" May point naman si Lian bae eh. " sinimangutan ko lang sila.

" There's no harm in going out with him Nicole. Atsaka isa pa, ayaw mo yun? Magkakaroon ka na rin ng boyfriend after how many years. Tigang ka pa naman sa pagmamahal. " tinapon ko kay Hayley ang unan at tumawa lang siya.

Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko pero bago pa ako makapasok ay tinignan ko sila na tawa ng tawa. Sayang-saya siguro sila sa pang-aasar sa akin.

" Kapag may naghanap sa akin sabihin niyo umalis ako. " saad ko kaya tumango sila at tumawa ulit.

" Mabulunan sana kayo sa mga laway niyo mga bruha! " singhal ko sa kanila kaya mas lalo lang silang humaglpak sa tawa.

Padabog kong sinarado ang kwarto ko at umupo sa kama. Humiga ako at hinayaan lang ang damit na ginamit ko sa pagmamall namin kanina. Mamaya na lang ako magpapalit ng pangbahay. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Mamaya na lang ako bibisita sa bahay para kamustahin si mommy.

" Nicole. " banggit ni Hayley sa pangalan ko habang inaalog ang balikat ko.

" Hmmmnn... " ungol ko at hinawi ang kamay niya.

" May naghahanap sayo. " muli nitong sinabi kaya kahit na hindi ko kayang magsalita sa sobrang antok ay nagsalita pa rin ako habang nalapikit ang mga mata.

" Diba sinabi ko naman sa inyo ni Lian na wag akong istorbohin? Pauwiin mo na lang. " tinatamad na wika ko.

Pinalo naman ako ni Hayley at dinaganan. Fuck! Inaantok pa talaga ako eh.

" Eiii si Liam naghihintay sa sala eh. " napamulat ako sa sinabi niya.

Totoo talaga ang sinasabi niya? Susunduin niya talaga ako? Tsk! Is this date then? Hell no!

" Edi pauwiin mo. Inaantok pa ako eh. " saad ko at tinulak siya sa ibabaw ko.

" Ayaw mo talagang tumayo? " ubos pasensya na saad ni Hayley.

Napangiti na lang ako tumango. Nawala na yung antok ko sa sinabi kanina ni Hayley but I will remain sleeping here.

" Date niyo eh! " singhal ni Hayley pero hindi ko siya pinansin.

Indelible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon