Nang makauwi kami galing sa bakasyon ay nanatili na lang kami nila Hayley sa condo. Liam is out of the country closing some deals all about business. Yeah business. Sabi naman niya ay last na iyon because his dad will take over now. Nagkabati na daw ang mga magulang niya eh.
" Kailan ba ulit tayo magbabakasyon? " tanong ni Hayley.
" Hindi ko alam. " sagot ko. Masyadong nakakatamad ang araw na ito.
Tinignan ko ang cellphone ko. Still wala pa ring text kay Liam. Busy siguro kasi baka nasa conference meeting pa. Nilagay ko na lang ang cellphone sa coffee table.
" Alam mo Nicole? Kanina pa kita nakikitang nakatingin dyan sa cellphone mo ah? Ano bang meron dyan? Dutdot ka ng dutdot. " banas na asar ni Hayley.
" Masamang mag-alala? "
" Mag-alala. Tsk corny mo! " she said then rolled her eyes.
Babaeng to! Napakabitter. Kaimbyerna.
" Bae nambababae na yun. " natatawang sinabi ni Lian kaya sinamaan ko siya ng tingin.
" Subukan niya lang at ihihiwalay ko yung pwet niya sa katawan niya. " natawa naman si Hayley sa sinabi ko.
" Imba ka bae! Pwet talaga? Bastos. " napangisi na lang ako sa itsura ni Lian.
Sa amin kasi ay siya ang pinakainosente. At si Hayley ang pinakavulgar.
" Sus! Painosente ka bae! " natawa siya.
" Makasabi ka kasi ng pwet parang nakita mo na. Ano nakita mo na nga ba? For sure maputi yun. " agad na namula ang pisngi ko kahit na ako pa mismo ang nag-open ng topic na yun.
Lecheng Hayley.
" Namumula siya. Langya! Nakita mo na nga! " sabi nito at humagalpak sa tawa.
" Hindi kaya. Tumigil ka nga Hayley sapakin kita diyan eh. " mas lalo lang siyang tumawa sa reaction ko.
" Can we not talk about this? Spare my innocence babes. " napatingin kami kay Lian na halata ang pagkaOP sa usapan.
Narinig ko naman ang buntong hininga ni Hayley at pasalampak na kinuha ang susi ng kotse niya sa ibabaw ng table.
" Whatever. Masyadong pervert ang kuya ko Lian kaya masanay ka na. " mas lalong namula si Lian kaya napangisi na lang ako.
" Nga pala mauna na ako. May gagawin pa ako. " wika ni Hayley. Napakunot naman ang noo ko. Ano bang sinasabi nitong babaeng to?
" Saan ka pupunta? Diba BD natin ngayon? " tanong ko.
" Ahmm susunod ako. May gagawin lang talaga ako. " saad niya at umalis.
Napapailing na sinundan ko na lang ng tingin ang likod ni Hayley habang paalis. Tinignan ko si Lian na nakatingin din sa kanya. Alam kong napapansin din niya na may pinagdadaanan siya. We can feel it.
We're just waiting for her to tell us what's her problem. At ang tanging paraan na lang para damayan siya ay ang pagiging kaibigan sa kanya.
Maybe she needs space. I will give it to her, we will give it to her just maybe mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
......
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa condo namin. Wala naman kasing magawa sa buhay. Yung boyfriend ko? Ayun busy sa business nila while yung mga kaibigan ko hindi ko alam kung saan nagsususuot. Tsk ang hirap ng walang magawa sa buhay.
Nakaupo lang ako sa couch hanggang sa napagpasyahan kong magbihis at mag-ayos. Siguro mamamasyal na lang ako.
Pagdating ko sa mall ay nagbayad na ako ng pamasahe sa taxi driver. Hindi ko na sinama ang kotse ko because I don't feel like driving. Masyadong nakakahaggard.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomanceA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...