After that day, hindi ko na siya nakita pa due to some business. Lagi kasi siyang excuse because he's the acting CEO of his father's company.
Oh diba? Business man na agad kahit nag-aaral pa lang. At dahil sa pagkawala niya medyo nakahinga ako ng preskong hangin I mean he's making me crazy darn. Kapag nandyan siya para akong hindi mapakali eh. Everytime his around my heart beats abnormally. Kaya good thing na rin yung pagkabusy niya.
" By the way bae, malapit ng matapos ang sem, saan mo balak magbakasyon? Do tita have plans? " tanong sa akin ni Hayley.
Umiling lang ako, mom is busy right now.
Kung dati nakakapagbonding pa kami ngayon hindi na.
" And ofcourse your birthday is near. Are you planning to celebrate it here? " oo nga noh. Next week? Alam kaya yun ni Liam?
Seriously Nicole? Liam na naman. Get a break. Tsk. Napailing naman ako." I think sa bahay namin icecelebrate. Ayoko naman ng party, sawa na ako dyan. Yung gusto ko konti. Family and friends. Please come Lian. Kahit na pupunta rin si Terrence. " pagpipilit ko sa kanya.
Gusto ko kasi makita siya sa birthday ko.
Ngayon lang kasi kami magkakasama sa birthday ko since ngayong year lang rin kami nagkakilala.
" Ofcourse. I will never forgive myself if I cant witness my bae' s birthday. " she said.
Tumayo na siya para magpaalam na matutulog na daw siya kasi maaga pa ang pasok niya. Tumingin naman sa akin si Hayley.
" Bae we need to meet that Trixie bitch tomorrow. Humanda siya! She should pay for ruining my brother's relationship and for hurting Lian. " napakunot noo ako.
" Hoy Hayley! Hindi ko gusto yang matang yan! Uso magbagong buhay. " wika ko sa kanya kaya ngumiti lang siya.
Yung ngiting hindi mapagkakatiwalaan.
" Kakausapin ko lang naman eh. " tinignan ko na lang siya.
" Siguraduhin mo lang Hayley kasi baka this time presinto na ang bagsak natin. " natawa naman siya.
" Bitch! Anong bang akala mo sa akin? Mamamatay tao? "
" Hindi ba? " nanlolokong tanong ko kaya pinalo niya lang ako.
" Baka gusto mo sayo ko subukan? Ayaw mo nun buena mano ka? " natawa na lang ako sa katopakan ng kaibigan ko.
" Magbeauty rest na nga lang tayo para mas maganda ako dun sa witch na yun. Lilinisan ko na rin ang kuko para atleast mas malinis ang kuko kesa sa mukha niya diba? " natawa naman ako.
" Baka budhi? " napaisip naman siya.
" Pareho lang yun. " wika nito.
May topak na naman eh pati ako dinadamay kulang na lang painumin ako ng baygon para tuluyan na akong mawala sa ulirat eh.
Kinaumagahan maaga kaming nagising pagkalabas ko ay naabutan kong gumagawa ng stretching si Hayley while si Lian naman ay nagluluto.
Tsk wala man lang itong initiative. Napailing na lang ako. Hayley will always be Hayley." Hoy babae kanina ka pa dito! Hindi mo man lang tinulungan si Lian. " pangsesermon ko sa kanya.
" Sa tingin mo ba hindi ko siya tinutulungan? " napaismid ako.
Pakshet itong babaeng ito! Nakahithit na naman ba ito ng katol?!
" Paano mo siya matutulungan kung nakatayo ka lang dyan? " wika ko, pinanlakihan niya naman ako ng mata.
" Ano ka ba bae? Nagpapalakas ako ng muscle para mamaya. " sabi niya sabay taas ng braso niya at pakita ng macho niyang braso.
" Tsk. Payatot. " asar ko kaya sinamaan niya lang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Indelible Love
RomanceA love that is incapable of being forgotten. Two people who fell in love and got hurt because love is not that kind. Love. Betrayal. Trust. Forgiveness. How can she fight for him, if he already gave up? How can he fight for her, if she gives him re...