PROLOGUE:
"Teh nasa labas na siya ng simbahan. Nagpupumilit pumasok."
Lumakas ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib nang sabihin iyon ni Crisha. Eff! Anong ginagawa niya dito?! Naalala ko na naman tuloy yung message niya last week.
Hindi na ako nagdalawang isip pa, hinawakan ko ang suot kong wedding gown at agad tumakbo palabas ng Cathedral, not minding those people I left inside.
"Palabasin niyo ako." Utos ko sa dalawang bantay ng pinto.
"P-pero ma'am, paano na po ang--"
"PALABASIN NIYO AKO!" Wala na silang nagawa kundi buksan ang pinto.
Mula sa baba ng hagdan, nakita ko siya, hawak hawak ng dalawa pang guard. Muling bumilis ang tibok ng puso ko.
Nasa harap ko ngayon ang taong una kong minahal at siya ring unang bumasag ng aking puso. Ang taong minsan na akong niloko at pinaglaruan.
Hawak-hawak pa rin ang aking wedding gown, bumaba ako at pinaalis ang dalawang guard na pumipigil sa kanya.
"Elle ikakasal ka na nga tal--"
[PAAAAAAK!!!]
Isang malutong na sampal ang salubong ko sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?! Ang kapal nga naman talaga ng mukha mo para sabihin sa akin ang lahat ng yun sa e-mail! At ngayon magpapakita ka na para bang walang nangyari at sisirain mo ang... ang isa sa pinaka-espesyal na araw sa buhay ko?!"
"Ang alin? Ang kasal mo?"
Darn! Namiss ko ang boses na 'yan. Halos mag-iisang taon ko na rin palang hindi narinig 'yun.
Umiwas ako ng tingin. Nagpatuloy siya sa pagsasalita nang hindi ko sinagot ang tanong niya. "I'm here to tell you that I loved her." Tila may kung anong kumirot sa puso ko.
[PAAAAAAK!!!]
Muli ko siyang sinampal, this time sa kabilang pisngi naman. Napangisi ako. "Great! Pumunta ka dito para lang sabihin sa akin yan? Pwes makakaalis ka na. Babalik na ako sa loob."
Nagsimula na akong maglakad pabalik sa loob ng Cathedral nang sumigaw siya dahilan para mapako ako sa kinatatayuan ko.
"I LOVED HER! PAST TENSE ELLE! AKALA KO BA MATALINO KA SA ENGLISH? NI SIMPLENG PAST TENSE LANG HINDI MO PA ALAM!"
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...