Chapter Four: Coconut

8 0 0
                                    

Chapter Four: Coconut

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Tsk, umaga na pala?

Napatayo ako bigla nang mapansin kong wala na sa tabi ko si Yassy.

Kinatok ko siya sa CR ng kwarto ko, baka naligo lang. Pero walang tao, kaya bumaba na lang ako. Siguro nanuod sa sala or nagluto ng agahan. In my dismay, she's not there. I've searched the entire house but Yassy's nowhere to be found.

Fvck, where is she?! Imposibleng umuwi yun dahil kahapon pa niya sinasabing ayaw niya makita either si Nick or si Tita Monet.

I was about to dial her number when I heard the door bell rang. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, agad kong yinakap ang taong iyon.

"Sht. Pinakaba mo ko!"

"H-huh? Ano bang problema babe? Ayos ka lang ba?"

"I thought… I thought you left me."

"Psh. What are you talking about? Nag grocery lang ako. Nabanggit kasi ni Tita kagabi na 'di raw siya nakapag grocery before she left kaya ako na raw bahala."

"Pero dapat man lang sana nag-iwan ka ng note or nagtext man lang para di ako kinabahan ng ganto."

"Okay fine, I'm sorry babe. But for now patulong naman ako, padala sa kusina babe. I'll cook our breakfast."

"Ako na magluluto babe. Pagsisilbihan kita today." Presinta ko.

"No! I'll be the one to cook!"

"Ako n---"

"I. I N S I S T!"

"Fine!" Tss sa huli siya parin ang nasunod. What can I do? Tsk.

At ako, naiwan dito sa sala. Kahit curious na curious na 'ko nanuod na lang ako as I mimic her voice. "Another thing babe. Stay here. Don't you dare to go or peep inside the kitchen. Please? Pretty please?" Then I pouted, still immitating how she pouts. Mukha na akong tanga dito, shiz.

Sa kagustuhan kong makita paano siya magluto at kung anong niluluto niya, an idea hit me. Dumaan ako sa backyard  at pumunta sa back door ng kitchen. May small window-like yung door dun. Sorry babe, nakalimutan mo yatang memorize ko ang bahay na 'to.

Hahahaha.

As soon I saw her inside the kitchen, hindi ko mapigilang matawa. Kaya naman pala ayaw akong papasukin, instant and ready to eat naman pala ang 'lulutuin'. Tsk how cute babe.

Palabas na siya ng kusina dala dala ang mga 'NILUTO' niya. Agad naman akong bumalik sa backyard and binasa ng konti yung shirt at kamay ko bago pumasok.

"Babe, the food is ready, halika na-- Wait, what happened to you? San ka ba nanggaling at basa ka?"

"Uh, nagdilig lang saglit. Oh ano kakain na ba tayo?"

"Yes babe. Here tikman mo to, I cooked tuna omelette and home made soup." Haha. Kaya pala may nakita akong boxes ng ready to eat tuna omelette saka pinagbalatan ng ready to cook soup dun kanina kasi  home made pala niya. Note the sarcasm.

"How does it taste? Pwede na ba akong mag asawa?"

"Wow ang sarap babe! Grabe pwede na tayong magpakasal, marunong na magluto ang babe ko." Hindi ako sarcastic, masarap naman talaga. Hindi naman kasi niya luto eh.

"Omg! Really?"

"Promise babe, masarap talaga. Kiss ko nga ang babe ko. Mmm, mas masarap pa rin 'to."

"Okay tama na babe. Kumain na tayo."

~

After we ate, nagdecide kaming magpunta muna ng mall para mag-arcade. Pampa-gaan daw ng feeling niya.

Dun kami dumiretso sa Slam Dunk. Ito yung magsho-shoot ka ng basketball sa ring. Palagi naming nilalaro ito sa tuwing nagpupunta kami dito sa arcade.

"Babe. Let's, play a dare game."

"O-kay?" She gave me a babe-you're-so-weird-what-are-you-talking-about look.

"So here's the deal. Paramihan tayo ng masho-shoot na ball. Ikikiss ng panalo yung talo and will dedicate a song there…" I pointed the mini stage for KTV.

"W-what?! You know that I don't sing Liam." She protested.

"Then galingan mo. Good luck babe."

"Tch. Fine!"

~

"Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti"

Right then, I saw her lips formed a smile habang kinakanta yung favorite song namin.

"At Ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo"

"Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko"

Siya talaga ang buhay ko. Magmula nang makilala ko siya, sa kanya lang umikot ang mundo ko. Akala ko noon, ka-OA-an lang ng mga babae ang first love, pero nang dumating si Yassy sa buhay ko, tama pala talaga sila.

"Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko.
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko"

Ewan ko ba, mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko maisip magmahal pa ng iba. Siya lang. Sa kanya lang.

Gusto ko 'pag tanda namin, siya pa rin ang babaeng makikita ko kada umagang gigising ako. Yun bang may mga sariling pamilya na rin yung mga anak namin, kami magkasama pa rin.


"Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato..."

Unti unti akong bumaba sa stage at naglakad papalapit sa kinatatayuan niya.

"Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig
Ikaw parin (ikaw pa rin)
Ang buhay ko."


Pagkasabi ko ng linyang 'buhay ko', nakatayo na 'ko sa harap niya.

"I love you Yassy Dione. I'm the luckiest guy on earth to have you babe. Ikaw lang ang buhay ko." Then I kissed her on her lips.

Rinig ko ang mga taong nakapalibot samin na nagsigawan, nagtilian, nagbulungan, kinilig, yung iba nabitter pa nga eh.

"Mawawala lang ang pagmamahal ko sayo kapag nag black na ang sabaw ng buko.  Yassy Dione, ikaw lang talaga ang buhay ko."

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon