Chapter Forty Four: Instant Make-over
Maaga akong nagising ngayong araw. Ang bilis ng araw, pasko na naman. This will be a long busy day. For my family though. Si mama at ate sila ang mamamalengke, mag gogrocery, at tutulong sa pagpeprepare sa Noche Buena Party ng angkan namin mamaya. Dun siya gaganapin sa mala mansiong bahay nila lola. Kaya gustong gusto ko noong bata pa ako na magpunta kina lola eh, rich kiddos kasi sila. Sa gara ba naman ng bahay nila, sinong hindi gugustuhing magpunta. Pero uunahan ko na kayo, hindi kami mayaman, 'yung angkan nila papa siguro, pero hindi kami, at mas lalong hindi ako. So back to the topic, si papa ang head cook dun ngayon, kasama niyang magluluto 'yung mga uncle namin, uncle-uncle-an, at kung sino sino pang mga katropahan nila. Wala akong ibang gagawin ngayong araw kundi pachill chill lang. Hahaha.
First on my list, pupuntahan ko si Xiara sa bahay nila. Actually on the way na ako. Bubulabugin namin si bespren Hunyo sa bahay nila. Magbobonding kaming tatlo, at kinagabihan ay isasama ko sila sa party.
Nagdoorbell ako sa gate nila at wala pang isang minuto ay agad iyong binuksan ni ate Louisa. Elder sister ni Xiara.
"Hi ate. Good morning. Si Xiara po?" Bungad ko. At kahit hindi pa niya ako inaalok na pumasok, ay pumasok na ako. Haha bastos na bata.
"Wala siya, hindi umuwi, nasa bahay ng boypren."
Lumaki ang mata ko sa sinabi ni ate Louisa. Aba ang babaeng 'yun nagkaboyfriend lang lumalandi na?! Nako malilintikan ka sa akin mamaya Xiara Andrea! Nako nako, sa mga sleep over sleep over sa bahay ng boyfriend nagsisimula ang pagkawala ng pinakatago tagong pambabaeng perlas eh!
"Hahahahahaha. Priceless! Hahahaha." Malapit na sana akong magtransform into beast nang humagalpak sa katatawa si ate Louisa. "Joke lang! Hahahaha. Nandun siya sa kwarto niya. Hahahaha."
"May lahing lechugas ka din ate 'no? Langya magbebeast mode na sana ako eh!"
"Hahaha. Halata nga. Hahaha."
"Che ate, paskong pasko, aatakehin ako sayo eh." Sagot ko bago ako makaakyat sa second floor ng bahay nila.
"Huy sino ka? Shet magnanakaw! Mama oh naakyat bahay gang tayo!" Sumalubong sa akin sa taas ang mapang-asar na mama's boy na kuya ni Xiara.
"Ay aba ang ganda ko namang akyat bahay Kuya Louie?" Talagang flinip ko pa ang buhok ko habang sinasabi ko 'yan.
"Mama oh 'yung magnanakaw masyadong malaki ang ulo."
"Syempre, punong puno ng brain cells 'yan." Ginulo gulo niya 'yung buhok ko kaya naamoy ko 'yung scent niya. Biglang huminto ang mundo ko. Se-seryoso?! Hinawakan niya 'tong buhok ko?! Ay syet hindi na ako maliligo neto! OMFG to the highest level! Kinikilig 'yung bilbil ko!
Nasabi ko na bang makalaglag bra ang kagwapuhan ng kuya nitong si Xiara? Ay syet! Todo friends! Sobrang gwapo niyan ni Louie Baby. Hahahahaha. Kahit na halatang kagigising lang niya, ang bango bango niya at ang hot hot ng looks niya ngayon. Come to think of it, messy hair, cute dimples, pink braces, topless, and six pack abs, is equal to Lianne July's definition of forever! Hahahaha. Charot bh3!
"Huy Lianne, wag mo nga akong pagnasaan sa isip mo. Hahaha."
"Hala, sorry na Louie baby. Ikaw kasi ih. Hihihi." Insert pabebe voice. Nakacling pa ako nyan sa braso niya. Natawa na lang si Kuya Louie sa pinag gagawa ko. Hahaha. Sanay na siyang Louie baby ang tinatawag ko sa kanya pag inaasar ko siya. Alam naman niyang ultimate crush ko siya since birth eh
Kung ang ibang kababaihan may Daniel Padilla na crush, ako naman xi LhuOie bHeyb!e lhunq xapH@t naH! Hahahaha. Jeje love!
Pagkatapos naming maglandian ni Louie baby, este pagkatapos kong makipag-asaran sa kanya, pumasok na ako sa kwarto ni Xiara. By the way, nagselfie pa nga pala kami ni kuya Louie sa phone ko. Pamasko na niya sakin 'to. Grabe tiba tiba ako nitong pasko. Hahaha. Okay na, solve na ang pasko ko. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Fiksi Remaja"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...