Chapter Fifty: Jamming
"They don't know about the things we do. They don't know about the I love you's. But I bet you if they only knew, they would just be jealous of us."
Ano kayang nakain ng lalaking 'yun at kanina pa siya kanta ng kanta? Haha.
Dahan dahan akong pumasok ng kusina palapit sa kanya. Yinakap ko siya mula sa likuran niya. "Ang saya ng honey ko ah?"
Pero instead na sumagot, sinubuan niya ako ng niluluto niya. "How was it?"
Ninamnam ko 'yun. "Ang sarap! Ano na nga kasing pangalan ko?"
Pabiro niya akong pinitik sa noo. "OA naman. Haha."
"No seriously, sa sobrang sarap makakalimutan mo ang sarili mong pangalan."
"So pwede na akong mag-asawa?"
"Pwede na! Hahahaha."
"Pakasal na ngarud tayo."
Pabiro ko siyang hinampas sa dibdib. "Sira. Teka lang itutuloy ko muna 'yung ginagawa ko dun. Hindi pa ako tapos maglinis."
"Hon." Tumigil ako nang tawagin niya ako. Nakatitig siya sa akin. Na-conscious tuloy ako kung may dumi ba sa mukha ko. "Ang ganda mo pala pag haggard."
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Is that a compliment or an insult?"
"Hon naman, syempre compliment."
"Ay wow, thank you ha? Lagi na lang pala ngarud akong magpapaka haggard."
"Hahaha. Maganda ka din pala pag nakapusod 'yang buhok mo."
Pabiro ko siyang inirapan. "Masusunog na 'yang niluluto mo." Bumalik na ako sa sala at pinagpatuloy 'yung paglilinis ko. Medj nagblush yata ako sa pinagsasabi ng Ethan na 'yun. Nako!
Medj haggard na nga talaga ako dahil buong second floor nalinisan ko na kanina. May kalakihan din itong bahay nila Kuya Mon.
Mabuti na lang talaga nakarating kami ni Ethan nang matiwasay kagabi. Hoo! Adik na lalaking 'yun, literal na diniretso talaga niya 'yung daan kaya kami naligaw. Imagine, inakyat niya daw 'yung bundok kahit na may kalsada pa paliko dahil hindi na daw 'diretso' 'yun kapag kumanan daw siya. Napapa facepalm pa rin ako kapag naaalala ko 'yun. My goodness!
Inayos ayos ko na 'yung mga kagamitang nandito sa sala. Kaninang umaga pa lang namin inalis 'yung plastik ng sofa, at 'yung iba pang appliances dito na nasa mga kanya kanyang boxes pa. Diretso tulog kasi kami pagkatapos naming kumain dahil anong oras na kami nakarating kagabi. But wait! Just to clarify things, hindi kami nagtabi. Hiwalay kami ng kwartong tinulugan, okay?
Napatigil ako sa ginagawa ko. Is it me, or we look like newly wed couples who just moved in?
Nag-init 'yung pisngi ko. Kinikilig naman daw ako! To think that my husband's cooking while I do the cleaning. Diba, mag-asawang mag-asawa ang dating! Hahahaha. Ugh, maghunos dili ka nga Lianne July!
Pagkatapos kong naglinis sa buong bahay, kumain na rin kami. This is gonna be a busy day dahil bisperas ng bagong taon ngayon. Kami ni Ethan ang in-charge dito ngayon dahil mamayang gabi pa sila ate at kuya susunod dito, pagka-out nila sa Baguio Country Club.
To cut this short, we went to the supermarket, bought this and that, then returned home. I decorated the house. He cooked, while I helped him. And stuffs like that.
"Welcome home!" Pinutok namin 'yung party popper na binili namin kanina, pagkapasok nila ate, kuya, at Faith dito sa bahay.
"Wow naman! Honey, ito ba 'yung bahay natin? Hindi ba tayo nagkakamali ng pinasukan?" Biro ni Ate Kate sa asawa.
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...