Chapter Eleven: Sadistic Comfort

8 0 0
                                    

Chapter Eleven: Sadistic Comfort



Pagkaalis nila, napaupo ako at ilang oras din yata akong nakatunganga lang. Napapaisip sa sinabi ni Nick, ni Tita, at ni Yassy. What do they mean? Alam nilang hindi ako mahal ni Yassy? Hindi eh, parang may mali. May mali talaga eh! At ano yung sinabi ni Nick? Mas mabuting hindi ko na malaman? Ang alin?! Fvck this! Ang sakit na ng ulo ko kaiisip!



"Uwi na tayo, gabi na."



"Do you think hindi na ba talaga niya ako mahal Lianne? O hindi niya talaga ako minahal?"



"H-huh? E-ewan ko, hindi ko alam Liam."



"Tangna! Ang sakit lang isipin. Sobra."



"Hindi ko alam yung reason niya, but one thing I'm sure of... She loved you Liam."



"'LOVED'? Tss, yes. Oo na, past tense. Siguro nga minahal niya 'ko, pero yun ay noon lang. 'Coz if she loves me, why'd she let me go?"



Napatahimik siya. Maging ako. Another dead air, that is.



"Bata ka pa naman, siguro may darating pang ibang babae dyan." She paused. "Maybe for now, you'll think na you can't love again, yes you can't easily replace her in your life, kasi kahit naman ako nasasayangan sa pinagsamahan niyo. But you're only 1 year and 2 months ba?" 


I nodded.



"Yeah, see? You're only 1 year and 2 months. It's not like you've been together for like 20 years nor you two got married, right? Dun, dun ka manghinayang, masayangan, at umiyak na 'kala mo wala nang bukas."



Once again, we remained silent after she spoke. Okay, may sense naman yung sinabi niya.



"Halika may pupuntahan tayo." At hinawakan niya ako sa wrist ko at kinaladkad pasakay sa kotse niya at nagdrive. Kung saan kami papunta? Tanong niyo siya.



Tahimik lang ako buong oras na nasa loob kami ng kotse. Wala talaga ako sa mood magsalita. 



Pinikit ko muna ang aking mga mata para naman mapahinga na ito sa pag-iyak.




Napadilat ako nang naramdaman kong huminto na ang sasakyan, saka bumaba. Nasa labas na pala siya.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon