Chapter Twenty-Eight: Wedding?
"I hate him to death!!"
Maya-maya'y bigla na lang nagsisigaw si Crisha.
"I gave him my heart! I gave him my everything! My EVERYTHING for goodness' sake! But what do I get in return?! A broken heart!!" I understood what she meant when she said 'everything'.
Tuloy tuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha habang tumutungga ng isang shot saka muling nagsalita.
"Tang ina niyang si Resty! Ang saya saya pa namin sa concert tapos... tapos pagkauwi namin sa condo niya... nakikipag-- nakikipagbreak na ang gago! Hinayupak siya!!"
"Hey girl calm down!" Hinagod ni Carmina yung likod niya.
Akmang iinom na naman siya nang agawin ko iyon sa kanya. "Crisha, awat na, lasing ka na."
"Pakshet oh! Hindi pa nga ako lasing eh!"
Yung dalawang tower na inorder niya, halos siya lang lahat ang umubos. Pakonti konti lang ang ibang girls pero si Xiara, Anne, at ako, hindi talaga uminom. Napatingin ako sa stage nang marinig ko ang boses ni Ethan. He smiled at me, and I smiled at him in return.
Moments later, Xiara excused herself. Dun ko lang napansin na pinalitan pala ni Ethan si Jeff sa pagkanta. Bago matapos ang second song ni Ethan, nagpaalam naman ako na magpapahangin lang ako saglit.
Sa parking lot ng restobar, natanaw ko na magkayakap si Xiara at Jeff. By the looks of it, tumatawa si Xiara. They look so happy... so inlove. I bet ganyang ganyan din kami ni Ethan. Dun ko na napagtanto na tama talaga ang gut feeling ko.
Mga ilang minuto pa bago bumalik si Xiara. Tila nagulat pa nga ito nang makita akong nasa entrance ng restobar. "M-my lavs? Bakit nandito ka?"
"Ikaw bakit nandito ka?" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong.
"Ma-masama na bang magpahangin my lavs?"
Tumawa ako kaya naman nakatanggap ako ng batok mula sa kanya. "Anong tinatawa tawa mo dyan?"
"Bawal ba? Ang pag-ibig nga kahit bawal, sinusugal eh. Pagtawa pa kaya my lavs?"
"Uy humuhugot!" Sabay kaming nagtawanan.
"Kidding aside. Wag kang tatawa tawa diyan! May atraso ka sa'kin."
Sumeryoso naman siya na para bang alam na niya kung anong ibig kong sabihin. Hinila ko siya papunta sa parking lot. Umupo kami sa gutter bago ako nagsimulang magsalita.
"May namamagitan ba sa inyo ni Jeffrey Tuazon?" Hindi siya nakapagsalita. Bagkus, napalunok siya nang sunud-sunod.
"I'll take that as a yes. So kailan pa?"
"Uh... Actually it's uh, our..." I shot my brow heavenwards as though telling her 'Say it or else!'
"It's our second month today."
"SECOND MONTH?!" Halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat.
"Dalawang buwan na kayo?! Eff my lavs! I was just thinking na nasa courting stage pa lang kayo, tapos dalawang buwan na pala kayo?! Dalawang buwan mo nang tinatago sa'kin 'to?!"
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...