Chapter Sixteen: I Like You
"Hindi ka iiyak, kung wala kang nararamdaman Lianne."
Ugh!! It's been a week, pero bumabagabag pa rin sa utak ko yung mga sinabi ng walang hiyang Yno na yun. Pusang gala naman oh!
Ang tagal na nun ah? Ni hindi na nga kami nagpapansinan ni Liam sa tuwing magkakasalubong kami sa university or even sa loob ng klase.
Pero ano 'to? Bakit binabagabag pa rin ako nyan? Ako may gusto dun?!! Ano siya chiks?!
Pero sige seryoso na, ayoko. Hindi... hindi pwede... hindi tamang magkagusto ako sa ex-boyfriend ng bestfriend ko. For whoever's sake, I just can't!
Alam ko naman kung gaano nila minahal ang isa't isa. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa, so it's just not right to fall for him. Besides, kailan lang nang maghiwalay sila diba? Don't you think it's that fast Lianne? Geez!
No wala akong gusto sa kanya. Wala talaga.
[Bogsh!]
"ARAY! WALA NGA KONG GUSTO SAYO SABI EH!!" Oh shoot! Kung minamalas ka nga naman oo, nauntog na pala ako sa poste.
Iniangat ko yung ulo ko and feeling ko lahat na ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa mukha ko. Eff! Did I just voiced it out?! Shiz! Mas mabuti pa yatang nauntog na lang ako sa poste eh.
"H-huh?" Curious na curious yung mukha niya.
"Eff!" I hissed. "Uh, sorry I wasn't talking to you. Ge bye." Naglakad ako palayo sa kanya pero pinigilan niya ako.
"Uh, excuse me?" Tinignan ko siya nang masama, saka tumingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Hindi sa pambabastos huh, pero... Close ba tayo?" Tinaas ko ng bonggang bongga ang kilay ko and flashed my killah smile. Hindi siya sumagot kaya muli akong nagsalita. "Hindi diba? So sino ka para hawakan ako?"
"Uh Elle---"
"Elle? Oh my, who's that?! Wrong send ka? Elle's not my name, so please, hands off." Yes I sound so sarcastic but no I'm not bitter. Hindi talaga, so please lang!
"Lianne..."
"Sorry but I have to go Mister, that's if you don't mind."
"Uh actually--" I haven't let him finish his words.
"Oh of course you don't mind. Hindi naman tayo magkaano ano diba? Hahaha" Naglakad na ako paalis. Takte ang sarcastic ko, ang saya nito!
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...