Chapter Twenty Four: The gift
Third Person's POV:
"Sinabi ko namang bantayan niyo bawat kilos niya diba?!"
"P-pero--"
"Shut it! Lulusot pa! Binabayaran ko kayo hindi para magpakasarap sa lugar na 'to. Kaya gawin niyo nang maayos yang trabaho ninyo!" Tahimik lang silang nakayuko habang binubulyawan ko sila.
"Lumabas na kayo. Inuulit ko, bantayan niyo siya. Sabihin niyo sa'kin kung anong ginagawa niya, kung saan siya pumupunta at kung sinu-sino ang mga nakakausap niya. Nagkakaintindihan ba tayo?!"
"O-opo."
The moment they left the room, I turned facing the window and lit a cigarette. "Mapapasa'kin ka rin ulit mahal ko." I smiled widely at that thought. "Akin ka lang!" Pagkatapos ay muli akong humithit sa sigarilyong hawak ko.
~
Elle's POV:
"Pupusta ako, magkakatuluyan sila!" Sigaw ni Gianne.
"Hindi nga eh! Magkakabalikan sila nung ex niya, ano ba!" Kontra naman ni Crisha.
"Duh, naturingan ngang bida tapos hindi sila magkakatuluyan?!" Sabat pa ni Anne.
"Eh kung palitan niyo na lang kaya yung characters? Mas magaling pa yata kayo eh!" Sita sa kanila ni Carmina. Ayan, nagsalita na ang asta nanay ng barkada.
Tsk tsk. Napailing na lang ako ng ulo sa ingay nila. Pinagtataluhan kasi nila kung ang makakatuluyan ba ni Beth ay si Logan Thibault o ang ex-husband nitong si Clayton. Kasalukuyan kasi kaming nanonood ng The Lucky One sa bahay ni Grace. Bale parang pangalawang bahay na rin naming magkakaibigan ito. Dito kami minsan umuuwi at ito rin ang nagsisilbing tambayan namin.
"Ang ex kasi, once na ex na, dapat hindi na binabalikan pa. At lalong hindi na din dapat bumabalik balik pa ang mga ex na 'yan kung in the first place ay sila pa mismo ang nang-iwan. Kakastress ha!"
Lahat naman sila napatigil sa panonood nila at nabaling ang mga tingin sa'kin.
"Weh Lianne? Relate ba?"
"Hahahaha. Humuhugot ang NBSB natin guys!" Nagsitawanan silang lahat.
"Girls, wag kayo, may pinaghuhugutan 'yan."
Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Xiara. "My laaaaaaavs!!" Binato ko siya ng unan!
"Hoy ano yan?! Kayong dalawa may sinisikreto kayo sa'min ah! Madaya! Shaaaaaare!" Sabay sabay na sigaw ng lima.
"Ugh i hate you Xiara Andrea Mendoza!!" Tumakbo ako papunta sa kusina at uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. Oh noes! Handa na ba akong sabihin sa kanila? Eff ka talaga my lavs!
Bumalik ako sa living room. Nakapatay na ang TV, and... where the fudge are they?!
Linibot ko ang aking paningin sa buong sala, pero walang bakas nila.
"Hoy! Nasa'n na ba kayo?! Eff naman oh! Pag ako pinagtitripan ny--- AAAAAHHH!! EFF! Sht! IBABA NIYO AKO!!!"
"Magkukwento ka o ileletchon ka namin ng buhay?"
"Ano Lianne? Sagot. Natatakam pa naman ako sa letchon ngayon."
"Bruha! Sige nga kumain ka ng letchong tao." Inirapan ko ang gagang si Gianne. Basta pagkain, lahat papatusin eh.
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Novela Juvenil"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...