CHAPTER THIRTY-ONE: Survival Camp
Days have passed at hindi pa rin kami nagkakaayos nina Crisha at Carmina. Pero ngayong araw magshoshopping kaming girls. Walang pasok ang lahat ng second year students dahil mamayang gabi na ang alis namin papunta sa PALAWAN!
Nag-usap kami ni Ethan na hindi ko muna siya macocontact ngayong umaga para naman buong atensyon ko nasa girls lang. Wala namang kaso iyon sa kanya, magkita na lamang daw kami mamaya at sabay kaming pupunta sa airport.
As of now, hinihintay ko na lang ang girls sa napag-usapang meeting place. 30 minutes early nga lang ako, pinagdrive kasi ako ni papa dito at siya na rin daw ang susundo sa akin pagkatapos naming magshopping. Ang bait ko talagang anak diba? HAHAHA.
So tutal 30 minutes pa naman akong mag-aantay, care if I tell you what happened nung nag-inuman sina Ethan at papa? Ganito kasi yun...
(Flashback)
Nanunuod ako ng movie sa sala nang naramdaman kong lumubog ang sofang inuupuan ko at may naamoy akong amoy alak. Hindi pa nakuntento ang walang hiyang tumabi sa akin at sumandal pa sa balikat ko.
"Ay peste Ethan! Wag mo akong susukaan, sinasabi ko sayo, titiisin ko yung amoy mo, wag na wag mo lang akong sukaan!"
"I love you, hon."
Napangiti ako kasi kahit lasing na siya, malinaw pa rin yung pagkakasabi niya nun. Humarap ako sa kanya. "I love you too, honey."
Maya-maya nakatingin na siya sa labi ko at unti-unti... Shocks! Unti-unting naglalapit ang distansya ng aming mga labi.
OMG! OMG! Ito na ba yung first kiss namin dito sa bahay?
Napalunok ako nang sobrang lapit na ng mga labi namin.
"Lianne, asikasuhin mo na si Eth--"
asdfghjkl!
Bigla ko siyang naitulak dahilan par mapahiga siya sa sofa. Ayun! Knock out.
"Ano yun ma?"
Nakangisi siyang sumagot. "Si Ethan kako, asikasuhin mo na. Dito na lang siya sa atin matutulog dahil delikado ang magmaneho ng nakainom lalo pa't gabi na. At isa pa nakakahiya naman sa mga magulang niya jung uuwi siya nang lasing."
"Opo. Pero ma, Liam hindi Ethan."
"Oh siya, siya, Liam kung Liam. Iakyat mo na siya sa kwarto mo at dun siya matutulog."
Nagulat ako sa sinabi ni mama. "PO?!"
"Teka lang! Tapos na ba ako? Ikaw, makitulog ka muna sa kwarto ni Leah at magtatabi muna sila ni Lawrence. Kuha mo?"
"Ah. Opo."
Pagkaalis ni mama, binuhat ko paakyat si Ethan. Naku naman! Kay bigat na nilalang nito.
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...