Chapter Forty Five: Christmas Eve

3 0 0
                                    

Chapter Forty Five: Christmas Eve

"Oy insan! Tao ka na. HAHAHAHA. Ganyan ba talaga pag nasasaktan? Gumaganda? HAHAHAHA."

"Oo na sissy, ngayon lang kita icocomplement. Ang ganda mo kasi ngayon. Nagkahimala na nga yata."

"Anak I'm so proud of you. You're beautiful just like mama."

"Ate Liane ate Lianne! Bakit po nag-iba ka ng  mukha?"

"Apo ko, you're grown up now. You look gorgeous tonight apo."

Teka nga! Sa pagkakaalam ko Family Reunion slash Christmas Party slash Noche Buena Party 'to? Bakit mukhang ikakasal yata ako sa mga pinagsasabi nila? Seryoso ba talagang ngayon lang ako gumanda in my entire life at ngayon lang nila ako kinocomplement ng ganyan? Kastress ha!

"Lianne, pagsisisihan ng gagong Ethan na 'yun na pinakawalan ka pa niya. Sa ganda mong 'yan mas marami pang magkakandarapa sayo." Isa pa 'to si Jeff. Ethan na naman eh. Eff.

"Hoy baby! Seriously? You're cheating on me with my bestfriend?! Right in front of me?!"

"Baby naman. Of course not!"

"Eh ano 'yang pinagsasabi mo kay Lianne? Ako din naman nagpasalon ah? Bakit siya lang pinansin mo? Sino ba talagang girlfriend mo sa amin ha?"

Tinignan ko si Xiara straight faced. "Nag aadik ka na ba my lavs?"

Hahahahaha. Ewan ko sa babaeng 'to. Natatawa na lang ako sa pinagsasabi niya. Ang OA lang. "Gaga neto. Tara na nga kumain na lang tayo."

Hindi pa man nagsisimula ang pasko, ang saya na ngayong gabi. Sobrang dami ng tao dito sa loob ng mansion house nila lola. Nandito rin pala 'yung family ni Xiara. Family friend kasi sila and para na rin namang magpamilya ang turingan ng family naming dalawa.

"Louie baby gift ko?" Nakanguso kong inilahad ang palad ko sa harap niya.

"Wala eh. Pwede bang... kiss na lang kita?" Nagpapacute siya. Hahaha syet.

Sinakyan ko 'yung trip niya. "Okay lang sana Louie baby kaso busog na ako eh. At saka marami pang foods dun oh. Next time na lang."

"Ayaw mo ba?" Nagpacute ulit siya na parang maamong tuta.

"Grabe ka Louie baby, nilalandi mo ako ha. Hindi porket labs na labs kita itetake advantage mo na ako. You're so!" Hahahahaha.

"The F kuya and my lavs?! Kilabutan nga kayo. My goodness uso ba pedophilia?!"

"Hala? Joke lang. Nako kuya Louie ha! Baka nafafall ka na pala sakin at sineseryoso mo na pala? Wag ako kuya, please lang. Hahahahahaha." Nagtawanan kaming lahat. Maging ako naman din nandidiri sa pinagsasabi ko. Eww eww!

"Pinsan? Ikaw na ba 'yan?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita 'yung favorite pinsan kong parang gulat na gulat.

"Ynooooo!" Sinalubong ko siya ng yakap. Kyaaaa! Namiss ko 'to. "Uy ang pogi mo pa rin ah. Walang kupas brad!"

Nagpogi sign siya at umaktong GGSS. Gwapong Gwapo Sa Sarili. "Ako pa ba brad?"

"Ay grabe. Lumalaki ulo."

"Hahaha. Pero seryoso ikaw ba 'yung pinsan ko? Si Lianne July? Ikaw ba 'yun?" Gulat na gulat  talaga ang drama niya, grabe.

"Oo ako nga 'to. Walang churva, walang plastic surgery, at walang Belo na naganap brad."

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon