Chapter Twenty Two: Couple Shirt
"Oh ano tapos ka nang mamili?!" Bungad niya pagkalabas ko ng boutique.
Nginitian ko lang siya at hinawakan ang kanyang mga kamay bago kami nagsimulang maglakad. Akala ko magpupumiglas siya pero hindi naman.
Tumigil ako sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ng Rest Room.
Inabot ko sa kanya yung paper bag na pinaglagyan ng mga pinamili ko kanina. "Isuot mo yan." Utos ko.
Tumaas na naman ang kanyang kanang kilay. "Ano na naman bang drama yan Ethan?"
"Basta isuot mo. Wag kang lalabas sa CR na yan hanggat hindi mo suot yan. Dalian mo papasok pa tayo."
"Ugh. Fine."
Pagkapasok niya sa ladies' restroom, hinubad ko ang jacket na suot ko, leaving only this black shirt I'm wearing, then a smile formed in my face.
~
Elle's POV:
Eff! Ano bang drama nung lalaking yun?! Ugh!
Nakakahiya! Sigurado ba siyang ipapasuot niya sa'kin ang mga 'to?!
Peste naman, nag-inarte pa ako kanina para sa'kin naman pala itong mga pinamili niya. Eh loko pala kasi yun eh! Ang sabi niya may pagbibilhan siya, aba malay ko bang ako pala? Nagselos selos pa ako, pinagselosan ko lang pala sarili ko.
Matapos kong isuot ang jeans na pinagselosan ko kanina, hinalukay ko pa yung isa pang natitirang black na damit sa ilalim ng paper bag. Langya naman kasi talaga yun, pinailalim pa talaga ang shirt?
Well, binilhan nga rin pala niya ako ng isang pair ng bra and undie. Eff! Lalaki ba talaga yun?! Bakit hindi siya nahiya dumampot nun? At isa pa, paano niya nalaman yung size ko up and down?! Gross, change topic!
Without looking at the shirt, I immediately wore it. Aba mahirap na, pagalitan pa ako ng hinayupak na yun. Dalian ko nga naman daw at papasok pa kami sa school. Naku, kawawa naman si Joyce dun.
Habang nagliligpit ako ng mga pinagpalitan kong mga damit sa loob ng cubicle, nagsuklay na rin ako, nag-apply ng lotion, konting spray ng pabango, mouth wash, and kaboom! Tumakbo na ako palabas ng restroom. Wala nang sala-salamin, magagalit na ang hari.
"Hey sorry." Bungad ko sa kanya. He just smiled at me in return. Kinuha naman niya yung shoulder bag ko at isinuot sa balikat niya.
"Oy para kang bakla. Akin na nga lang 'yan."
"Ako na. Ayokong nabibigatan ka."
"Eh hindi naman mabigat eh."
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...