Chapter Nineteen: You're beautiful

5 0 0
                                    

Chapter Nineteen: You're beautiful


Ethan's POV:


Ano ba kasing nasa isip ng babaeng 'to at sa gitna pa ng field naisipang magliwaliw?


It's been 3 hours mula nang dalhin ko siya dito sa clinic, pero hindi pa rin siya nagigising. Shiz Elle, wake up!



[Flashback]


"Hoy man, saan ba kasi tayo pupunta? Pucha hindi ko pwedeng iwanan si Elle dun."

"Ang OA! Hindi naman mapapano yang 'NILILIGAWAN' mo. At saka saglit lang ito."


Maya-maya pa ay nakarating kami sa rooftop ng building namin.

"Ano namang ginagawa natin dito?" Tanong ko at sumandal sa railings ng rooftop.


Naupo naman sya sa sahig at nagbuntong hininga. Ano na naman kayang problema ng taong 'to?!


"Man patulong naman, hirap na hirap na kasi ako sa sitwasyon ko.­" Bakas sa boses niya ang kalungkutan. Tangna neto! Nagkakaproblema din pala ang gagong 'to?


"Shit hindi ko na alam gagawin ko!" He paused. "Anong gagawin ko? Ang hirap pala talagang maging gwapo. Hindi ka ba napapagod? Buong buhay mo kasama mo ako, hindi ka ba naiinsecure, man?"


Aba eh gago pala talaga itong isang 'to eh!


"'Tangna! Gwapo ka na pala? Langya, ginutom ka na naman ba?"

"Gago! Seryosong usapan 'to!"


I faced the field before I talked. "Nagjoke amputa! Alam mong kasama ko si Elle kanina tapos kinaladkad mo lang ako dito para sa walang kwentang joke mo na 'yan? Kailan mo ba matatanggap na ako lang naman ang gwapo sa ating dalawa?" Dirediretso kong sagot.


Pinulot niya ang isang plastic bottle at ibinato sa akin. "Ulul!"

I hissed at akmang aalis na nang magsalita siya.



"Si Xiara Davids, nililigawan ko pala, man."


Tinignan ko siya at biglang sumeryoso ang mukha naming dalawa.


Humarap ako sa field, at mula dito, nahagip ng mata ko si Elle. Mukhang lutang ito at ang lalim ng iniisip.


Ibinalik ko ang aking tingin kay Jeff. "Man, kung paglalaruan mo rin 'yan, itigil mo na."

"Gago, hindi! Gusto ko siya. At liligawan ko siya."


Ibinalik ko muli ang tingin ko sa field. Why is she there? Hindi ba niya alam na may naglalaro ng football dun?

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon