Chapter Forty Two: Explanations

5 0 0
                                    

Chapter Forty Two: Explanations

Ethan's POV:

Yes! Tapos na rin akong mag-ayos ng gamit. Gusto ko nang umuwi. Para naman sa malambot na kama na ulit ako matutulog. Sumasakit na itong likod ko eh.

Lumabas ako para puntahan si Elle. Nakakailang hakbang pa lang ako nang naalala kong may tinabi nga pala akong kalahating pakete ng marshmallow niya kaya naman bumalik ako sa tent para kunin 'yun. Ipapaubos ko na sa kanya 'yun. Ilang araw na 'yung nabuksan pero pwede pa naman. Alam ko namang kakainin niya 'yun, wala namang patawad 'yun si Elle basta usapang mallows. Hahaha.

Habang binubuksan ko 'yung bag ko, naramdaman kong may pumasok sa loob ng tent. Tangna, mabuti naman at bumalik na 'to si Jeff. Saan ba nanggaling ang gag--

Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod ko. Nakita ko 'yung kamay niya kaya agad kong inalis 'yung pagkakayakap niya sakin! Hindi iyon kamay ni Elle.

"Fvck! Anong ginagawa mo dito?! Tang ina! Lumabas ka!"

"Ethan..."

"Ilang beses ko bang sasabihing si Elle at Jeff lang ang may karapatang tumawag sakin niyan?! Labas! Baka may makakita satin dito at kung ano pang isipin nila!" Halos itulak ko na siya palabas ng tent pero ayaw niyang lumabas. Lumapit siya sakin at nakaamoy ako ng alak. Tangina! Lasing na 'to?!

"Etha-- Liam. Please... love me." Ano daw?! Uminit ang ulo ko sa narinig ko. Tanga ba siya?!

"Gago ka ba?! Hinding hindi kita mamahalin kahit kailan. Mahal ko si Elle. Siya lang ang mamahalin ko. Now please get out bago ko pa makalimutang babae ka!"

Niyakap niya ako kaya naman napahiga ako. Fvck! This is bullshit! Inangat niya 'yung mukha niya para titigan ako. 5 inches na lang 'yung layo ng mukha namin sa isa't isa! Tangina!! Ano bang kagaguhan ang ginagawa ng babaeng 'to?!

Pilit ko siyang tinutulak pero nilapit pa niya 'yung mukha niya sa mukha ko. 4 inches! Fvck! Hindi na ako makakapagtimpi! Pasensyahan na lan--

"Hon? Oh shocks! S-sorry po!" Nataranta ako nang marinig ko 'yung boses ni Elle. Naihagis ko si Maja dahilan para tumilapon siya dito sa loob ng tent.

"Fvck! Shit! Elle." Naibalik niya 'yung tingin niya dito sa loob. Dun ko lang narealize na hindi niya pala ako napansin nung una.

Dali dali siyang tumayo at tumakbo. Napadaing sa sakit si Maja pero hindi ko siya pinansin. Hinabol ko si Elle, kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Mali siya ng naiisip.

"Wait hon let me explain!" Sigaw ko. Mas binilisan naman niya 'yung takbo niya.

Hinawakan ko 'yung braso niya nang maabutan ko siya. "Hey. Wait. Honey please, magpapaliwanag ako."

Humarap siya sa akin at bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkagalit at pandidiri sa akin. "Wag mo akong hawakan. Nakakadiri ka." Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako pumalag. Pinunasan niya 'yung pisngi niya. Umiiyak na pala siya.

"Honey. Please. Pakinggan mo naman ako." Inabot ko 'yung kamay niya pero muli niyang tinaboy iyon. "You got it wrong honey, hind--"

Napaupo na lang ako sa damuhan nang tumakbo siya nang hindi man lang ako pinapatapos.

Bumalik ako sa tent at naabutan ko si Maja na may kausap sa phone. Fvck?! Paano niya natakas 'yan? Bawal ang cellphone dito ah?!

Bago ko siya lapitan, pinakinggan ko muna 'yung pinag-uusapan nila. I don't mean to evesdrop pero may gusto akong malaman. Sagad na talaga ang pasensya ko sa babaeng ito.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon