Chapter Forty Eight: Get away

5 0 0
                                    

Chapter Forty Eight: Get away

Elle's POV:

"Hello Baguiooooo!" Sigaw ko nang madaanan na namin 'yung Lion's Head. Sumalubong na rin sa amin ang cool air na tanging dito na lang talaga sa Baguio mararanasan. "Hmm, ang sarap ng hangin!" Hindi naman halatang ang saya ko masyado 'no? Hahaha. Kyaaa! Kasi naman magbabakasyon kami sa Baguio City!

"Hon, para kang bata, easyhan mo lang." Tumawa siya. "Pero ang cute mo."

Kekeke! Binobola na naman niya ako. "Eeeh naman kasi eh. Second time ko lang kayang makarating dito." Kelan na nga ba kasi 'yung una? Ay ewan.

"Hon smile!" Tinaas ko 'yung phone ko at nag-selfie kaming dalawa. Hindi delikado 'yung ginawa ko dahil nasa traffic naman na kami. Inupload ko sa instagram 'yung picture namin. Ang saya nito! Vacation feels sa Baguio with him!

Maya-maya naramdaman ko na lang na pinatay na ni Ethan 'yung makina ng sasakyan. "Let's go?"

Nilibot ko 'yung mata ko sa labas ng bintana. Nandito na pala kami? Nagmadali akong bumaba. Teka nga, familiar itong lugar na ito ah?

"Honey bunch saan tayo?" Tanong ko.

"Baguio Country Club, hon." Biglang nanlaki 'yung mata ko nang may marealize ako.

"A-ayoko na pala dito. Uwi na tayo." Muli kong binuksan 'yung pinto ng kotse. Nawalan na ako ng gana.

"T-teka lang hon. Bakit?" Pinigilan niya ako.

"Ayoko dito. Basta ayoko dito." Inirapan ko siya.

Sa halip na malungkot siya or something, bigla siyang ngumiti nang nakakaloko. "Nagseselos ang honey ko oh." Walangya. Sinong hindi, kung sa lugar kung saan kayo magbabakasyon ay 'yung parehong lugar kung saan may memory din 'yung boyfriend mo at ex niya?! To think na saksing saksi ko pa 'yun noon! Eff.

"Tigilan mo 'ko Ethan. Hindi ka nakakatuwa." Inirapan ko siya at tinabig 'yung kamay niya para mabuksan ko na 'yung kotse.

Maya-maya nakaramdam na lang ako ng yakap mula sa kanya. "I'm sorry, hon. But I promise you, we won't stay long. I just want you to meet kuya." Naramdaman ko 'yung init ng hininga niya sa batok ko. That gave me chills down my spines. At dahil dun, ayun, nawala na lang bigla 'yung pagkainis ko sa kanya. Tumiklop na naman ang lola niyo.

"E-ehem. Ma'am, sir baka gusto niyo pong kumuha ng room para doon niyo na ituloy 'yan? Marami pa pong available sa loob."

Napalayo kami sa isa't isa nang sumingit si manong guard. Parehas pa yata kami ni Ethan na namumula. "S-sorry po." Pagpaumanhin namin bago ako hilain ni Ethan papasok sa isang building. Susme! Muntik na akong atakihin. Akala ko 'yung kuya na niya 'yun!

Lumapit siya sa information desk at may kung anong sinabi sa babae doon.

T-teka! Mukhang lobby na ng hotel ito ah? "Hoy Ethan, saan tayo pupunta?! Don't tell me seseryosohin mo 'yung sinabi ni manong?! Nako ah! Sinasabi ko sayo!" Nagfifreak out na ako.

Ngumiti pa ito nang nakakaloko. Medyo lumayo kami doon at bigla na lang niyang pinulupot sa bewang ko 'yung kamay niya. "Honey, gawa na tayo ng baby? Tayo lang dito sa Baguio ngayon, walang mang-iistorbo." Halos lumuwa na 'yung eyeballs ko sa sinabi niya. Naramdaman ko na naman 'yung init ng hininga niya sa batok ko. Pero this time hindi na kilig ang nararamdaman ko. It creeps me out!

Napalayo ako sa kanya at pinaghahampas siya. Syet ano bang iniisip niya?! "Tangna mo Ethan! Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Sige na honey. Nakapag reserve na ako ng room." And before I knew it, nakasakay na pala kami sa elevator. Oh no! Please no!

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon