Chapter Thirty Three: Jellybean

7 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY THREE: Jelly bean


"Sigurado ka ba dito fafa Liam? Baka naman hindi magwowork 'to ah?"

"Effective 'yan promise."

"Eww. Hindi ba mabaho 'yan?"

"Ang arte mo girl. Gusto mo ba talagang magbati kayo?"

"Naku naman! Kung hindi lang talaga... Ugh! Baka siya naman ang magalit sakin niyan?"


Naalimpungatan ako nang naramdaman kong nakikiliti ang paa ko at may mga parang bubuyog na nagbubulungan. Hinayaan ko lang sila at sinubukan kong kamutin yung paa ko pero maya-maya nakikiliti na naman ako. Dumilat ako at aba, ang mga bruha nakuha pang magtawanan!


"Ano na namang kalokohan 'yan?! Ke-aga aga eh!" Umupo ako habang nagkakamot ng batok! Walang hiya mga istorbo sa pagtulog! Biruin niyo, kilitiin daw ba ang paa ko!

"Ay sisihin mo si Fafa Liam, idea niya 'yan." Defensive na tugon ni Crisha.

Tumingin ako sa labas ng tent at nakasilip nga dito si Ethan. Tiningnan ko siya ng masama at saka binato ng unan. Sapol!

"Hahahaha. Sorry hon. Hahaha." Kita niyo 'to, naheadbutt na nga, nakuha pa niyang tumawa. "Ang hirap mo kasing gisingin eh. Nakaayos na sila oh, ikaw na lang hin--" Napatingin ako sa relo ko nang sabihin niya yun. Patay!


Hindi ko na inantay matapos ang sasabihin niya, dali dali kong kinuha yung bag ko saka tumayo at tumakbo papunta banyo nang may narealize ako.


Eff, wala nga palang banyo dito! Naku, paano na? Mag-aalas syete na, hindi pa ako nakakakain at nakakaligo. 7:30 pa ang call time namin para sa second challenge.


Oo diretso challenge na agad kasi kagabi, pagkatapos ng "getting to know" game namin, naorient na rin kami sa nga dapat at hindi dapat gawin sa survival camp na ito. Mag-aalas dose na kami bumalik dito sa camp area kaya naman late na ako nagising. See? Kasalanan din naman ng mga heads eh, may jetlag pa nga kami tapos sa gabi pa nila naisipang mag orientation.


"Luh? Paano ako maliligo neto?" Para akong sira na kinakausap ang sarili pagkadating ko sa dagat. May mangilan-ngilang mukhang naliligo rin dito. Ang hirap palang manirahan sa isla, marami ngang tubig, wala namang banyo.


"Lumublob ka na, gayahin mo sila."


Hala? Sino 'yun? Don't tell me nagsasalita ang dagat? O baka naman may siyokoy dito? Luuuuh!


"Hahaha. Nasa'n ba kasi yung boyfriend mo at hindi ka sinamahan dito?"


This time, napalingon na ako sa paligid. Imposible naman kasing kilala ng dagat o ng siyokoy si Ethan.


"Hi." Nakangiting bati ng isang lalaking nakaupo sa buhangin. Sino naman 'to?

"Grabe! Tao pala! Hooo!" Napahawak ako sa dibdib ko. "Kaloka kuya! Wag namang bigla biglang nagsasalita. Kagulat eh."

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon