Chapter Twenty Seven: Gig

4 0 0
                                    

Chapter Twenty Seven: Gig


"Hello Kayla."

"Anong Kayla?! Hoy Ethan! Umayos ka! Kebago-bago pa lang natin may babae ka na agad?! Sinong Kayla 'yan huh?! Wrong number ka 'no?!"

"Hindi. Ikaw talaga si Kayla."

Eh sira pala 'to eh! Last week lang naging kami, harap harapan nang nambababae ang loko! Handa na sana akong tumayo at puntahan siya nang magsalita pa siya.


"Ikaw si Kayla... Ang aking KAYLAngan, at mamahalin ko magpa-KAYLAn man."

Kasabay ng pag 'woah' ng kasama niya sa kabilang linya, natahimik ako sa banat niya. Para akong natatae na naiihi sa kilig.

Fishtea ka Ethaaaaan!


"Love, tanungin mo ako kung bakit kita mahal."

Natawa ako sa sinabi niya. Parang sira talaga ang isang 'to. "Okay, okay. Bakit mo ako mahal, Love?"

"Hmm. Parang kanta ni Morisette Amon."

Ano daw? Nawindang yata ako sa sagot niya. "H-huh?"

"Di mapaliwanag." Bigla na lang akong may narinig na nag play ng kantang 'Di Mapaliwanag'. Para naman akong baliw na natatawa dito.

"Hahaha. Oy ano bang nakain mo huh?"

"Ewan ko ba. Lianne's potion yata eh." Pareho kaming natawa. In all fairness, ang corny niya!

"Teka nga. Bakit ba nagtatawagan pa tayo, andyan ka lang naman sa kabilang table." Pinandilatan ko nga ng mata ang loko na nasa kanang table lang namin.

"Namimiss na kasi kita. Hindi kasi ako ang kasabay mo maglunch, Love." Ngumuso naman siya.

"Para kang sira Love. Kitang kita nga kita dito eh. Parang magkasabay na rin naman tayo."

"Eeeh---" Bigla na lang inagaw ni Crisha yung phone ko at sinigawan si Ethan sa kabilang linya. "Mamaya na nga kayo magtawagan Ethan, masyado nang nilalanggam mga tao dito oh. Kayo na lang pinapakinggan namin, alam niyo ba 'yun? Respeto naman sa pagkain, di niyo pa nga nakakalahati yang mga pagkain niyo naglalandian na kayo!" Dirediretso niyang sabi.

Lumingon ako sa mga kalapit table namin at napansing nasa amin nga ang mga atensyon nila. Naku naman, para pala silang nakikinig ng drama sa radyo kanina. Ang pagkakaiba lang, hindi madrama kundi kacheezyhan. Maya-maya pa ay sabay sabay nagsitawanan ang mga babaeng ito, including Ethan and Jeff sa kabilang table.

"What's funny?!" Tanong ko sabay taas ng kilay.

"Hindi ikaw Lianne. Si Crisha yung tinatawanan namin. Ang bitter ng lola mo eh!" Sagot ni Anne.

Tumingin ako kay Crisha only to find out na siya nga lang ang hindi nakikitawa. "Guys, stop it. It's not funny." Sambit niya bago sumubo sa pasta niya.

"Cheer up kasi girl! Move on." Sagot naman ni Grace.

"Wait, don't tell me... BREAK NA KAYO?!"

"Oo na! Hindi mo na kailangang ipagsigawan pa Lianne!" Tumayo siya saka lumabas ng cafeteria. Sinundan naman siya ni Gianne.

Paktay ka diha! Nagtanong lang naman ako ah?

"Shiz, seryoso?" Tanong ko. Sabay sabay naman silang tumango.

"Kelan pa?"

"Last week after the concert. Anyway, you better ask her your self girl."


Eff. So the best night for me was actually her worst...

~


After class, Ethan walked me to my house. Mas gusto daw niya kasing maglakad kami para mas matagal pa kaming magkasama at para may holding hands daw. Mga galawang Ethan talaga oh.

"Love, mamayang gabi may highschool friends kami ni Jeff na may gig sa isang resto bar somewhere near CNQ." Tumingala ako para tignan siya. "And, we were actually invited... Uhm..."

"So you're trying to ask me if I'll let you?" He nodded slowly in reply.

I pinched his nose. "Silly! Sure I will. What made you think I won't?"

"Really?!" Para siyang batang pinayagan ng nanay niyang maglaro sa labas.

"Of course!"

"But, Love, gusto ko nandun ka."

I squeezed his hands. "Ikaw talaga! Sure, I'll be there. Itext mo sa'kin yung location ng restobar."

"Thank you. I love you Lianne." He whispered before he kissed my forehead.

"I love you too. See you later."

~


"Ano na naman bang pakulo 'to? Sinabi ko naman sa inyong wala ako sa mood gumimik ngayon!" Iritableng sabi ni Crisha.

"This is for you. By the end of the night, I'm sure you're gonna thank me." I assured her.

She rolled her eyes. "Right. Whatever." Sumakay na siya sa loob ng van. Sumunod naman kami at nagdrive na ako papunta sa address ng restobar na sinend sa akin ni Ethan.

Pagkababa namin, sinalubong naman kami ng ingay na nanggagaling sa tumutugtog na banda sa loob. "Kaya naman pala dito tayo dinala, nandito naman pala ang boyfriend." Panunukso ni Carmina. Lahat naman kami napatingin sa stage.

Napangiti ako nang makita siyang tumutugtog sa harapan.

On my peripheral vision, I saw Xiara smiled too.

Naku! Mukhang alam ko na kung bakit.

Nang may lumapit nang waiter, nagkanya kanyang order na kaming pito. Pagkatapos niyang kunin ang mga order namin, inulit niya ang mga ito para makasiguradong wala na siyang nakaligtaan.

"Wait, additional 2 towers please." Crisha added.

Nagkatinginan kaming anim. Napangisi na lang ako. I haven't brought them here to drink though, but I guess that is what she need.

"What are you looking at?" Crisha raised her brows heavenwards. We shrugged then returned our attentions to the band.

"May tinatagong galing pala sa pagkanta at paggitara yang boyfriend mo Lianne eh." Napangiti ako sa sinabi ni Gianne. Syempre nagmana sa girlfriend. Chos! "Bakit hindi natin alam yun nung sila pa ni Yassy?" Dagdag pa niya kaya naman agad ding napawi ang aking mga ngiti. Para bang may kumirot sa puso ko nang marinig iyon.

Nagulat naman ang iba sa sinabi ni Gianne at tila inaabangan ang sasabihin ko.

"Ouch! Anne naman! Paa ko yun ah! Bakit mo---" Napatigil siya nang panlakihan pa siya ng mata ni Anne at ng iba.

"Oh! Oh right! Geez, my bad!" Napatampal siya sa kanyang noo. Mukhang nakuha na niya ang nais iparating ng girls sa kanya. "I'm sorry Lianne. I was so insensitive." She extended her hands to reach mine.

"No. It's fine... really. Wala kang dapat ipagpaumanhin." I faked a laugh. "Oh, here comes the food guys!" I announced, trying my best to smile and to act normal.

As we ate, I forced myself not to think of what she've said. Well I can't blame Gianne. We all know that she and Yassy were best of friends, they've been together for like forever.


Hindi ko siya masisisi kung si Yassy pa rin ang naiisip niyang para kay Ethan.


Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon