Chapter Thirty: Meet the Family

6 0 0
                                    

Chapter Thirty: Meet the Family

[Riiiing. Riiiiing]


Zzzz... Zzzz...


[Riiiiing. Riiiiiing]


Pilit kong inaabot yung alarm clock ko sa bedside table pero wala akong makapa.


[Riiiing. Riiiiing]

"5 minutes ma."

Napatayo ako nang may narinig akong nagsalita sa tabi ko. "My laaaavs? Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko.


[Riiiing. Riiing]


"Ma. 5 minutes pa. Inaantok pa ako." Sabi na naman niya. Ang bruha, ginawa pa akong nanay niya.

Tumingin ako sa alarm clock at ayon dito, 7:47 na. Teka anong araw ba ngayon?


"Aaaaaah!!! My lavs bangon na! Late na tayo! Shete Basic Accounting ngayon!" Dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo.

"Basic... Ano?! Shet Monday nga pala ngayon!" Nagmadali naman siyang tumayo. "My lavs dali, wag ka nang maligo!"

Binuksan ko yung shower, at peste, "ANG LAMIIIIG!"

"Huy dalian mo! Ayokong magcompute ng kung anu-anong assets, liabilities, at cash flow churvaloo na 'yan my lavs!" Sigaw niya sa labas ng pintuan ng banyo.

"Teka ito na." Lumabas ako ng banyo nang nakatuwalya lang at dali dali naman siyang pumasok.

Naghalungkat ako sa closet ng pwedeng maisuot at nakahanap ako ng dalawang similar dress at wedge. And when I say similar, I mean exactly similar, maski design, color, at size. Naku naku! Yung dalawang yun talaga oo.

May nakadikit pa ngang note sa bawat dress eh. Pero dahil late na kami tinanggal ko yung dalawang note at saka nilagay sa bag ko. Wala nang oras para kiligin pa kaming dalawa, mamaya na 'yan.

~

"My lavs anong oras na?"

"May 3 minutes pa. Aabot tayo nyan!"


[Peeep. Peeep]


"Oh dali dyan na. Iparada mo na dyan!" Yes, kahit naman iniwan kami ng mga hinayupak naming boyfriend, iniwan naman nila yung kotse ni Jeff. Hmm, not bad.

"2 minutes! Takbooooo!" Dali dali kaming tumakbo pagkababa namin ng sasakyan.

"Syet pinagtitinginan tayo! Para tayong kambal." Sambit ko habang tumatakbo.

"Ugh my lavs! Mamaya mo na isipin yan, ang importante makaabot tayo. Foot rug ayoko talagang magsolve sa harap. Baka panay Jeff lang maisulat ko sa board."

"Gaga! Pero. Ang sakit na ng paa ko."

"Ay, in all fairness ang arte! Hayaan mo na, hindi lang naman ikaw. Tiis tiis. Baka nakakalimutan mo, boblaks ako sa numbers."

"Baka nakakalimutan mo rin my lavs, bobo din ako basta may math."


Ilang steps na lang at classroom na. [KRIIIIIING]

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon