Chapter Forty: Lianne: The great pretender
Lianne Tip 101: Paano mag move on kay EX?
Simple lang. Take it from me and Ms. Pia Wurtzbach. Be confidently beautiful with a heart. Don't forget to wear your killer smile. Sabi nga sa isang kanta: You're not fully dressed without a smile. Iparamdam mong masaya ka na at kaya mong wala siya. Then rampa. Pak! Ganern!
Sample ba kamo? Teka, subaybayan niyo na lang 'tong chapter na 'to.
"Gutom na 'ko. Tara kain." Yaya ko kina Crisha, Grace, Xiara, at Jeff. Kami kami lang ang magkakasama ngayong lunch break.
Sabay sabay na naman silang napatingin sa akin. Kaninang umaga pa sila ganyan eh. Kada may gagawin o sasabihin ako, tingin agad sila eh. Except kay Jeff, dahil hindi namin siya kaklase kaninang umaga.
"Weh? Kain na naman? Takaw mo naman yata today girl?" Komento ni Grace.
"Truely! And bakit ba kanina ka pa din ngiting ngiti?" Dagdag pa ni Crisha.
"Tamo 'tong mga 'to! Nung nakaraang mga araw na panay ako iyak, sinasabi niyong 'tahan na' ganito ganyan. Ngayong masaya na ako, magrereklamo pa rin kayo? Are you jokes me? Grabe oh! Don't me!"
Sabay sabay silang nagsitawanan sa wrong grammar lingos ko. Maging ako ay natawa din.
"Oo nga naman. Hayaan niyo na, mas okay nga 'yang ganyan eh." Tama 'yan Jeff, support mo 'ko. Hahaha.
At this point in time, nasa cafeteria na kami. Medyo punuan na sa loob pero nakipagsiksikan pa rin kami. Look who's complaining kanina na kesyo gutom na naman daw ako and everything. Eh nauna pa silang apat na pumila sa akin. Kaloka!
Natapos ang mahaba-habang pakikipag bakbakan namin sa pila, nakaorder na din kami. Palinga linga ako kung saan may bakanteng table para sa amin.
"There! Tara dun oh." Turo ni Grace sa nakita niyang vacant table.
Sumunod ako sa kanila pero maya-maya tumigil sila dahilan para mauntog ako sa malapad na likod nitong si Jeff. "Ah, guys ano pala, wag na tayo dun." Napatingin sabay napaiwas din agad si Crisha.
"Baki-- Ah! Ah, oo nga, wag na tayo dun, mukhang reserved pala 'yun." Segunda din ni Xiara.
Sinilip ko 'yung table na dapat ay pupuntahan namin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita 'yung lalaking nakaupo dun at sinusubuan pa 'yung girlfriend niyang nakaupo across him. Ngumiti ako at nilagpasan 'yung apat. Tila nagulat sila sa ginawa kong 'yun but I guess they managed to follow me.
Nang makalapit ako sa mahabang table na 'yun na tanging 'yung love snakes, este love birds lang ang nag-occupy. I wonder kung bakit walang naglakas loob tumabi sa kanila. Syet alam na! Binaba ko 'yung tray na hawak ko at sabay naman silang napaangat ng ulo para tignan ako.
"Hi. Mind if I sit here? Oh, that's if I don't disturb your something something?" Ang ganda ng ngiti ko sa kanilang dalawa pero ang tagal nilang sumagot.
"Okay, I'll take that as a yes." Nakangiti pa rin ako kahit na binasag nila ako. Umupo ako sa tabi ni Yassy. Sinenyasan ko 'yung apat na umupo na dahil maging sila ay tila nasa state of shock pa rin.
So bale ang position namin from left to right ay ganto: Crisha, Grace, ako, Yassy. Then across Yassy, is Liam, tapos vacant chair naman sa tapat ko, then si Jeff at Xiara na.
I turned to face the 'love birds.' "Hey, just don't mind us ha? Don't hold back, pwede pa rin naman kayong mag PDA and all. Wala lang kasi talagang vacant eh." Then nagsimula na kaming kumain. Hooo! Ginutom ako ng bongga!
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...