Chapter Thirty Six: Dinner

5 0 0
                                    

Chapter Thirty Six: Dinner 


Maaga akong umalis ng bahay kahit walang pasok para hindi ako makita nila mama na mugto ang mata. Luckily, wala pa ni isang gising sa kanila. Kung sabagay, Linggo kasi ngayon. Habang nagdadrive ako kanina, tumawag naman ako sa bahay para ipaalam na umalis muna ako. Haaay, ilang araw na nga akong nawala hindi pa ako nakapagspend man lang ng kahit konting time sa pamilya ko kagabi. Namimiss ko na sila pero hindi ko magawang magpakita. Paano ba naman kasi, wala akong gana makipag usap sa tao maski nga gumalaw eh, sabay ganto pa yung mata ko. Hopefully mamayang gabi makasabay man lang ako ng dinner sa kanila.

"Oh my gee! Anong nangyari sayong bruhilda ka?!" Nagulat ako nang mas nauna pa pala sakin itong si Xiara. Niyaya ko siyang magkita kami sa isang café ng ganto kaaga dahil kailangan ko talaga ng mapaglilibangan para naman hindi ko gaanong maisip si Ethan.

I forced a smile. "W-wala. Sumama lang yung pakiramdam ko. Hindi ko kinaya kaya umalis na ako." Sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Nakalimutan mo yatang bestfriend mo ako mylavs?" Sambit niya na parang pinapahiwatig na 'Kilala kita, alam ko kung nagsisinungaling ka gaga.'


Sa huli, hindi rin ako nakatiis at kinwento ko sa kanya 'yung nangyari. Simula sa nakita kong naghahalikan yung bitchesang si Maja-rot at 'yung boyfriend k-- Eff! Ex-boyfriend na nga pala, syet! Hanggang sa pangyayari kagabi nung nagpunta sa bahay si Ethan.

Hindi na talaga nahiya 'yung mga luha ko at sunod sunod pa sila sa pagpatakan habang nagkukwento ako. Mabuti na lang pala maaga pa kaya wala pang masyadong tao dito.


Medyo gumaan 'yung pakiramdam ko nang mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa bestfriend ko.

Pasado alas diyes na nang umalis kami ni Xiara sa café. Nagsimba muna kaming dalawa pagkatapos ay pumunta kami sa bahay ni Grace. Tapos ayun, nandun na pala lahat ng girls. Courtesy of Xiara siyempre.

Drinamahan lang naman nila ako pagkadating na pagkadating namin dun. Parang nung kagagaling ko lang sa ospital sa Palawan, ganun na ganun 'yung drama nila. Kaloka. Akala mo nangibang bansa ako kung makapagdrama naman sila na namiss nila ako.

Overall, pinasaya ako ng anim na mga babaeng 'yun throughout the day. Nagluto kami ng samgyupsal, ramen, at waffles, kumain, nag movie marathon, at nag ktv. At some point, nakalimutan kong brokenhearted pala ako. And speaking of brokenhearted, dalawa pala kami ni Carminang BH ngayon. Nakipagbreak na raw kasi sa kanya si Cydon. Haay. Medj nagulat pa nga ako kahit aware naman na akong may iba na si Cydon noon pa man. Still, nanatili pa ring sara ang bibig ko na matagal ko nang alam na may iba si Cydon. I'm sorry Carms, ayoko lang na lumaki pa ang gulo. Haaay, pag-ibig nga naman.

"Elle, may tawag ka, sagutin mo na. Hon, may tawag ka, sagutin mo na. Honeybunch, may t--" Agad kong hinalungkat sa bag ko 'yung phone ko nang narinig ko yung boses niya. Ugh! Ni Ethan. Natatawang nakatingin sa akin ang mga bruha dahil sobrang natataranta na talaga ako dahil narinig ko na naman 'yung boses ng gago. Eff! Bakit nakalimutan kong palitang 'yung ringtone kong recorded voice niya? Kung noon gustong gusto kong may tumatawag sakin dahil ang cute cute lang talaga pakinggan ng boses ni Ethan in baby tone. Siya pa nagrecord nun ah, lakas talaga ng topak nun eh.

"Oh bakit aligaga ka dyan teh? Dati tinatapos mo muna yung ringtone mo bago mo sinasagot 'yung tawag diba?" Asar ni Crisha.

"Peste ka, tigilan mo 'ko." Inirapan ko siya  bago ko in-unlock 'yung phone. Putspa! Picture pa pala namin 'yung wallpaper ko! Ugh!

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon