Chapter Thirty Nine: A broken heart

4 0 0
                                    

Chapter Thirty Nine: A broken heart


Pumasok ako nang mugto ang mga mata. Peste lang, ang bigat sa pakiramdam ng araw na 'to. Ayoko sanang pumasok dahil baka makita ko lang siya. Or worst case scenario, baka makita ko silang dalawa ni Yassy na magkasama. Sht lang.

Natapos ang dalawang klase ko nang wala ako sa sarili. Wala nga yata akong naintindihan sa pinagsasabi ng mga prof ko eh. Ni hindi ko din alam kung nag quiz ba kami, o nagrecitation, o kung sinong katabi ko, o kung ano man. Sa madaling sabi, lutang. Wala din ako ni isang kinausap dahil hindi ko din naman alam kung may kumausap nga ba sakin.

Ngayon, break time na. Mag-isa akong naglalakad sa corridor. Mas nakaramdam ako ng lungkot. Iniwan na nga niya akong mag-isa, pati ba naman ngayon literal na akong mag-isa? Saan na ba kasi 'yung girls?! O kahit si Xiara man lang? Eff naman oh!


Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong nagbubulungan 'yung mga tao sabay nakatingin pa sa bandang garden. Napansin kong maraming tao dito banda. Hawak din nila 'yung mga cellphones nila at tila may kinukuhanan ng litrato o kaya naman video. Ano bang meron? May shooting ba ng artista dito?


Bumaba ako sa hagdan at naglakad palapit sa garden na 'yun. Pero kasabay ng pagtigil ko sa paglalakad, ay natigil din 'yung bulungan at pagkuha nila ng pictures. Isa isang nagsialisan 'yung mga tao at naiwan na lang akong mag-isang nakatayo dito. Tila na-glue 'yung paa ko sa kinatatayuan ko. Gusto ko rin alisin na lang 'yung paningin ko sa kanila pero syet, tanga na nga yata ako at tinititigan ko pa rin silang dalawa. Mabuti na lang nakatalikod sila kaya hindi nila ako makikita. Ang saya saya nilang dalawa. Bakit ganyan sila? Bakit ganyan ka Ethan?! Ang tigas naman ng mukha mo at nagawa mo pang makipagsubuan at makipagtawanan sa babaeng 'yan na para bang wala kang nasaktang tao!

Hindi ba siya informed na masakit ang maiwan tapos kinabukasan makikita mong magkasama na agad sila ng babaeng dahilan kung bakit ka iniwan?! Hindi ba siya na-inform na nasa iisang school lang kami at maaaring makita ko silang dalawa?! Pano naman 'yung feelings ko? Ganun ganon na lang 'yun? Hindi niya ba naisip 'yung mararamdaman ko?! Wala lang ba talaga ako sa kanya?! Tangnang 'yan!

Humarap si Ethan kay Yassy at dahan dahang inilapat ang kanyang labi sa ulo ni Yassy. Eff! Nananadya na ba sila?!

Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala 'yung luha ko. Agad ko itong pinunasan. Syet naman, hindi pa nga nakakarecover itong mata ko sa pag-iyak ko buong gabi kagabi, iiyak na naman ako?!

Maya-maya lumingon si Ethan at napatingin sa direksyon ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Pero imbes na mataranta ako dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanila, sinalubong ko pa talaga 'yung tingin niya.


"Lianne..." Bigla na lang may yumakap sa akin pagkatapos ay hinila pa niya ako palayo doon. Sumulyap pa ako kay Ethan pero hindi na ulit siya nakatingin sa akin.

Nang makalayo na kami agad kong inalis 'yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Naiinis ako sa kanya, kung sino man siya pero hahayaan ko na lang. Wala ako sa mood mang-away ngayon. Maglalakad na sana ako palayo pero nagsalita siya. "Ang tanga mo naman." Ani nito.

Nagpintig 'yung tenga ko sa narinig ko at hinarap ko siya. "Ano bang problema mo?! Bakit ka ba nakikialam, ha?!" I blurted out.

"Sinasaktan mo lang ang sarili mo." Teka natatandaan ko siya.

"Oh ano naman sayo? Just mind your own business."

"Tinutulungan na nga kita."

"Tulong? Wow! So dapat pala magpasalamat pa ako? Oh 'yan, THANK YOU!" I said sarcastically. "So feeling mo knight in shining armor who saved a damsel in distress ka na niyan? Sorry but I need no help. Mas nakatulong ka pa sana kung hinayaan mo lang ako dun." Pagkatapos kong sabihin 'yun, naglakad na ako palayo.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon