Chapter Thirty Seven: She's back
"Nandito na daw ulit siya?"
"Oo, nakita ko siya kanina."
"Ssh, wag kayong maingay nandyan si ano."
"Bakit pa siya bumalik?"
"Kawawa naman ni girlfriend."
"Mabuti nga sa kanya. Ahas siya."
Kanina pa ako naguguluhan sa nangyayari dito sa school pagkapasok ko. May mga nagkukumpulan, nagbubulungan, titingin sakin, yung iba itsurang naaawa, yung iba naman ang yabang ng tingin. Anong problema ng mga taong 'to?! Ngayon lang ba nila ako nakitang pumasok? Sa pagkakaalam ko araw araw naman ako pumapasok ah? Kanina pa nung may nakita akong nagkukumpulan, makiki-echos sana ako kung anong meron, pero bigla silang nagsihiwa-hiwalay. Tama ba 'yun?!
Napatakip ako sa bibig ko nang may marealize ako. Oh wait! Baka naman kalat na sa school na break na kami ni Ethan?! At… at kaya sila nagkukumpulan dahil may nakapagvideo na umiiyak ako sa café kasama si Xiara kahapon? At pinagtatawanan nila kung paano ako umiyak? Hala! Ang pangit ko pa namang umiyak. Pero, ang shunga lang eh, hindi naman kami campus chuchu para pag-usapan nila. Sikat ba kami? Parang hindi naman.
"Hi. O-okay ka lang?" Nagulat ako nang may lalaking sumabay sakin sa paglalakad. Tang mother! Muntik nang malaglag puso ko sa gulat. Tumingin ako sa kanya bago ako sumagot.
"Ah, o-oo." Saka ako tumakbo. Ang creepy eh, peste.
Pero, sino 'yun? Parang familiar siya.
~
Nakarating ako sa room nang ganun na ganun 'yung situation. May nagbubulungan, may nagkukumpulan, tapos titingin sakin. Leche! Kailangang mahanap 'yang source ng video na 'yan. Kahihiyan na 'to sa pagkatao ko, eff.
Papasok na sana ako sa room nang nakita ko si Ethan sa labas. Tatakbo na sana ako nang mahawakan niya 'yung kamay ko. "Elle. Wait, I have to tell you something. Listen carefully."
Feeling ko nasa teleserye kami sa dami ng nakatingin at nag-aabang sa sasabihin ni Ethan. Pero hindi ko siya pinansin, sa halip ay tinanggal ko 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko at saka tumakbo at sa backdoor ng room pumasok. Narinig ko pang sinigaw niya 'yung pangalan ko.
Umupo ako agad dahil feeling ko exhausted na ako. Ewan ko ba pero napagod ako sa mga bulungan at tingin nilang lahat eh. Kung sino mang may kagagawan nito, makakalbo ko siya!
"Girl, nabalitaan mo na ba?"
Napaangat ako ng tingin sa girls. See, pati sila alam na. Nagbuntong hininga ako bago tumingin kay Xiara.
"Oy mylavs, kilala mo ba 'yung may gawa nun? Wala ka bang napansing kumukuha ng video satin sa café?"
"H-huh? Video? Anong video" Sabay sabay pa nilang tanong.
"Feeling ko may kumakalat na video eh. I don't know what is it about."
"No. Walang video video. Yassy's back." Sabay sabay na sabi nilang anim.
Hindi ko namalayan, dumating na pala si ma'am. Masyado akong nagsspace out sa nalaman ko. Hindi nga? Nandito na talaga siya? Ang bilis naman, wala pa siyang isang sem na nawala ah? Ugh, not that I don't like her here, pero diba? Bakit umalis pa siya kung babalik din lang siya agad? Like, 4 months really? Anong pakay niya?
"Bakit? Bakit pa siya bumalik?" Bulong ko sa sarili ko.
"Wag mong isipin 'yun. Wag kang papaapekto okay?"
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...