Chapter Thirty Two: Truth or sink

8 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY TWO: Truth or sink


Elle's POV:


Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nakatulog. Basta pag gising ko, magdidilim na ang kalangitan at sinabi ng mga stewardess na nasa Region 4 na kami, meaning malapit na. Tiningnan ko ang relo ko at 6:07 pa lang. Halos isang oras lang pala ang byahe? Pero imbes na bumalik sa pagtulog, pinagdiskitahan ko na lang yung mga baon naming pagkain. Sayang naman ito, baka itatapon lang pagdating namin sa island. Bawal na kasi ang mga ganitong klaseng pagkain dun eh. Ang duga naman. Hindi kami makakakain ng masarap sa loob ng tatlong araw.


"Pst, hon, tulungan mo ako ubusin na natin lahat 'to."

"Sure." Kukuha na sana siya sa hawak kong isang plastik ng marshmallows nang tapikin ko ang kamay niya.  Alam naman niyang favorite ko 'to eh.

"Wag naman sa mallows, hon. Kaya kong ubusin 'to wag kang mag-alala." Seryoso, kaya kong ubusin yung isang napakalaking supot ng mallows nang mag-isa. Ganyan ko kamahal ang marshmallows guys.

Kumuha ako sa box ng cupcake na pinabaon sa kanya ni mama at isinubo ko ito sa kanya. Oo pabaon talaga sa kanya 'yan ng sarili kong ina. How sweet diba? Simula talaga nang makilala siya ng mga magulang ko, nagdududa na ako kung sino nga ba talaga ang anak sa aming dalawa eh. Hahaha!


"Calling the attentions of all passengers, please fasten your seatbelts, we are about to land."

Nang narinig ko 'yun umayos ako ng upo at kumapit sa kamay ni Ethan habang ang isa naman ay nakayakap sa mallows. Aba mahirap na baka mabuhos sa paglanding ng plane.


~


"Hon picture tayong background yung plane." Nakapout kong request sa kanya. Buti na lang umeffect yung pagpapacute ko dahil pumayag siya. Hindi kasi mahilig sa selfie yang lalaking 'yan eh. Hindi daw siya narcissistic sabi niya. OA 'no? Narcissist ka na agad, nagselfie ka lang?


"Hoy man, halika may ibubulong ako." Tawag nito kay Jeff na kabababa lang ng plane kasama si Xiara.

"Ano yun?"

Tinanggal ng magaling kong boyfriend yung camera niya mula sa pagkakasabit nito sa kanyang leeg at inabot kay Jeff.

"Shet salamat, man! Hindi ko na kailangang humiram pa ng DSLR kay kuya." Masayang sambit nito kaya naman binatukan siya ni Ethan.

"Ulul! Papicture!"

"Taena! Paasa!"


Sa huli, pinicturan din naman kami. Naka-ilang shots pa nga eh. Oo ayaw niyang magpicture sa lagay na yan. Pero bilang kabayaran daw, iniabot din niya yung dalawang DSLR sa amin ni Ethan. Yung isa kay Xiara, yung isa naman sa kuya ni Jeff. Kita niyo 'tong tatlong 'to, pa-DSLR DSLR na lang. Kay yayaman! Samantalang ako hanggang phone lang. Hindi pa iphone. Tsk tsk.


Pagkatapos naming mag selfie selfie, kasama rin ang girls, sumakay na rin kami sa shuttle bus na nagdala sa amin malapit sa dagat.

Napa-wow ako pagkakita ko pa lang sa dagat. Beach sunset! Grabe nakakainlove. Last na nakapunta ako sa dagat grade 6 pa yata ako. Haha. Pero joke lang, para namang sobrang hirap ko talaga nun? Fourth year high school pa ako nung last na nakapagbeach ako.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon