Chapter Eight: The Fvck!

6 0 0
                                    

Chapter Eight: The fvck!



Days passed by like a blur. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas nang makauwi kami from Baguio. Patapos na nga ang Midterms exam week eh. Busy ang lahat sa university the entire week. Kami lang ata talaga ni Jeff ang walang pake.




Hindi na kami masyadong nagkakatime ni Yassy. Busy siya sa pagrereview at pagcocomply ng activities eh. Nagkikita na lang kami sa isang subject na magkaklase kami. Break times and lunch? Ayun busy din siya.  May pagka-grade concious kasi yun. What can I do? Wala. Iniintindi ko na lang.




Papunta kami nitong si Jeff sa kabilang building. Hahatiran ko lang si Yassy ng pagkain niya. Past 12 na kasi hindi pa daw kumakain yun, sabi ng mga kaibigan niyang sina Gianne at Carmina.




"Man, hindi kaya may iba na yun? Ang OA lang ng pagkaka busy, man eh. Isa pa patapos na mga takteng exams na yan diba? Oh bakit busy pa rin?"



"Gago ka din 'no? Nakalimutan mo yatang parang kadena yung bound naming dalawa. Di basta bastang maaalis dahil mahigpit kaming nakakapit sa isa't isa."



"Pero paano kung dati lang yun? I mean, dati lang kayong kadenang bakal. Ngayon, eh nag transform na lang kayo bigla sa straw na panali."



"Tch. Straw na panali? Ewan ko sayo, labo mo talaga!" Sabay tawa ko. Pero sa totoo lang, napapaisip din ako sa sinabi ni Jeff. 


Kumbaga, may point din tong lokong to. May pinagkakaabalahan na kaya siyang iba? O pinagpalit na ko? Pero nah! Hindi mangyayari yun. Panali na straw? Tsk sa grocery lang marami nun!



Hindi namin namalayan nakarating na pala kami sa classroom na sinabi ng mga kaibigan ni Yassy.



"Hello girls." Bati ni Jeff with his famous seducing smile.



"Oh hey Liam. Si Yassy ba?" Bati naman ni Crisha, not minding Jeff. Boom basag! Haha



"Yeah. Where is she? Bakit tatlo lang kayo?"



"Uh, wala eh. Nagpaalam na may pupuntahan daw. Yung iba sa'min nasa cafeteria. Kung gusto mo hintayin mo na lang siya dito." Sabi naman ni Lianne. They nodded in chorus.



"Babalik din yan agad man. Yun ay  kung walang ibang kinatagpo. Kaya hintayin na lang muna natin. Right girls?"

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon