Chapter Thirty Five: Break Down

9 1 0
                                    

Chapter Thirty Five: Break Down

Kinabukasan, umaga pa lang bumalik na kami sa isla. Sinalubong kami ng mga kaibigan ni Elle maging ang school heads at staffs na sobrang nag-aalala. Nagulat nga sila nang makita kami dahil paalis pa lang daw sila para puntahan kami at bayaran yung hospital bills ni Elle.

"Thank goodness okay ka na Lianne!" Napahiwalay ako sa pagkakaakbay sa kanya nang bigla siyang yakapin nina Crisha at Carmina.

"Kainis ka alam mo yun? Hindi pa nga tayo nagkaayos nagpalunod lunod ka na dun?" Bigla akong natawa. Parang ibig niyang sabihin pag okay na sila pwede nang malunod si Elle. Haha. "Tapos malalaman ko na lang kay Carmina na okay na pala kayong dalawa. Kainis ka." Maya-maya humihikbi na si Crisha sa balikat ni Elle.

"Hala? Ang drama naman neto. Wag ka ngang umiyak dyan teh. Hahaha."

"Oo nga, ang aga aga nagdadrama? Chupi na nga diyan, pwede ako naman?" Bigla na lang hinila ni Xiara si Crisha palayo kay Elle.

"Grabe mylavs! Kaloka ka! You scared the hell out of me!" Sigaw nito kay Elle.

"Aba gumaganyang english ka na ha mylavs? Hahaha. Ang OA mo, wala namang nangyari sakin eh."

"Sisimulan ko na sanang isumpa ang dagat. Akala ko madededoks ka na dun eh." Natatawa akong nakikinig sa usapan nilang magkakaibigan.

"Excited ka pa yatang madedoks ako eh?"

Bago pa ako masiraan kakikinig sa usapan nila, sinenyasan ko si Elle na alis muna ako. Lumapit ako sa mga nagluluto. Baka may maitulong ako dito.

"Man! Namiss kita." Binaba niya ang buhat niyang mga kahoy at sinalubong ako ng yakap.

"Tch. Asa naman." Ganyan lang sagot ko pero sa totoo lang nasusweetan din ako sa Jeff na 'to. Ganyan kami magmahalan. Sa aming dalawa, siya yung sweet ako yung pacold. HAHA.

"Seryoso man. Isang gabi ko lang hindi makita ang bestfriend ko, napapraning na ako." Umarte pa siyang nalulungkot.

"Tigilan mo nga ako para kang bading. So aanhin mo itong mga kahoy?" Nakita ko kasing may mga nagluluto naman na.

"Baka kakainin ko?" Sarkastiko niyang sagot.

"Nice one. Pero hindi ako natawa." Sagot ko naman habang kumukuha ng naluto nang inihaw na manok.

"Ang tanga mo man, malamang gagawa ng apoy. Final challenge na kaya ngayon."

"Sorry 'no? Baka maghapon hanggang gabi akong wala dito?"

"Baka nga. Oh siya, tara na nga, baka hinahanap na ito dun."

~

Katulad ng sabi ni Jeff final challenge na nga. Pagkatapos ay mag-aayos na kami pabalik sa Maynila mamaya.

Duo ang game ngayon. Hinayaan kaming pumili ng gusto naming pair tutal last challenge naman na daw. Duo na sana kami ni Jeff nang marealize naming may kahirapan ang challenge na ito at baka hindi magawa ng girlfriend namin pareho. So si Elle ang pair ko at kay Jeff naman ay si Xiara.

Sa ngayon, binigyan kami ng limang minuto upang maghanap ng maaaring magamit para sa challenge. Kailangan kasi naming makalikha ng apoy. Binigyan lamang kami ng  nasibak na mga kahoy, at strategy na namin kung paano ito paaapuyin. Parang adik yata yung gumawa ng challenge na ito eh. Ngayon lang talaga binigay ito eh ilang araw na kaming gumagawa ng apoy. Dapat sana first challenge ito. Tsk tsk. Sino bang nagpapagawa ng mga chellenge at kakausapin ko closed door, heart to heart talk kami. HAHAHA.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon