Chapter Forty Seven: His mom

9 0 0
                                    

Chapter Forty Seven: His mom

Ethan's POV:

Ding. Dong.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Man, ganyan mo ba ako babatiin samantalang ang tagal nating hindi nag-usap? Namiss kita."

"Tarantado! May usapan tayo. Kung manggugulo ka lang, wag ako." Pagsasarhan niya sana ako ng pinto  pero hinarang ko 'yung kamay ko.

"Kaya nga ako nandito. Tapos na ang usapan natin. Homie na ulit tayo, man. Hahaha."

Sinimangutan niya ako. "Anong pinagsasabi mo?!"

"Papasukin mo muna kaya ako nang maikwento ko?" Hindi ko na inantay na papasukin niya ako, dirediretso na lang akong pumasok. Hindi naman siya kumontra pa.

Umupo ako sa sofa sa sala at sumunod naman siya. Parang ang tagal ko nang hindi nakakapunta dito ah. "Busy ako ngayon, pero sige papakinggan ko kung ano mang sasabihin mo pero binibigyan kita ng maximum ng tatlong sentence lang." Ang cold ng trato niya sa akin pero hindi ko na lang 'yun inintindi. Kasalanan ko din naman kung bakit kami nagkaganito.

"Sure. Una sa lahat, wala na kami ni Yassy. Pangalawa, nililigawan ko ulit so Elle. Pangatlo, ililibre kita ng ticket sa concert ng Urbandub dahil namiss kita."

"Tangina? Ano?! Syet free concert ticket sa Urbandub? Man naman, bakit hindi mo sinabi agad? Alam mo namang mapapag-usapan natin 'yan. Oh siya, ikwento mo na 'yung una at pangalawang sinabi mo."

"Ilang sentences ba?"

"Ulol! Free verse na. Hindi na pala ako busy." Patawa talaga 'to. Style niya bulok! Sabi na nga ba hindi niya rin ako matitiis eh.

"Oh, oh, baka kung anu-anong iniisip mo dyan, hindi ikaw ang hindi ko matiis, 'yung Urbandub. Kaya wag kang mag assume." Mind reader ba siya?!

Kinwento ko sa kanya simula't sapol. Wala talaga akong pinalampas na detalye. Pakiramdam ko bumalik na kami sa dati habang nagkukwentuhan kami.

"Oh siya. Susunduin ko pa si Elle. May date kami." Pagmamayabang ko.

"Ulol! Kami rin 'no! Man, siguro naman ngayon, hindi mo na siya gagaguhin? Tangina, kapag minsan pang iniwan mo siya dahil sa tarantado mong ex, aba ukinaenae ka!"

Hahahaha. "Anong ukinaenae?"

"Nae nae, 'yung sayaw. Hindi mo alam 'yun?! Tangina, old school ka talaga!"

"Namo! Alam ko 'yun. Eh bakit ba naging ukinaenae?"

"Expression, bugok! Umalis ka na nga."

"Tss ewan ko sayo. Ang baduy mo!" Napakamot na lang ako sa batok ko at nagtungo na sa pinto.

"Hoy gagong nilalang, 'yung pangako mo ha?"

"Yes boss!" Nagsalute pa ako sa kanya bago umalis.

Okay na ako, masaya na ako ulit. I got Elle back and so is my bestfriend. I got nothing to ask for more.

Nagmadali akong nagdrive papunta kanila Elle. 'Yun nga lang hanggang sa kanto pa rin ko siya mahahatid sundo. Hindi pa raw muna niya masasabi sa pamilya niya. Kapag official na daw saka niya sasabihin ulit. Okay lang sa akin. Baka nga pati pamilya niya nasira ko na ang tiwala. Alam kasi nilang lahat na sinaktan ko si Elle.

Nang maiparada ko 'yung kotse ko sa nasabing kanto, natanaw ko siyang papalapit pa lang. Nang makita niya 'yung kotse ko, kumaway siya at agad tumakbo palapit. Ang ganda niya sa suot niyang black and white dress.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon