Chapter Twenty-Six: Announcement

3 0 0
                                    

Chapter Twenty-Six: Announcement



Elle's POV:



Habang kumakanta siya at parehas kaming nag gigitara, napatingin ako sa crowd. Lahat masayang nakikisabay sa kanta, ang iba'y tinitilian pa ang Ethan ko. HAHAHA. Clingy much Lianne?




Sa kabila ng saya ng audience, nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng matalim na nakatingin sa amin. SA AKIN.



Tila kinilabutan ako nung nakita ko siya. Inalis ko na lang ang tingin ko at ibinalik ang atensyon ko sa aming pagtugtog. Hanggang sa natapos na ang first song na Sweet Serendipity.



Then other songs followed, halos lahat si Ethan ang kumakanta, paminsan minsan duet kami o di kaya'y yung drummer ng banda.



"Lianne, pasama naman sa restroom." Pakiusap ni Joyce.


"Sure." Lumabas kami ng backstage at nagtungo sa restroom di kalayuan sa field.



"Haggard ka na girl, mag-retouch ka nga para naman bongga ka sa final song mamaya." Utos ni Joyce.


"Palibhasa kasi paupo upo ka lang sa backstage eh." Sagot ko.


"Excuse me lang ha? Tumutulong ako sa set ups and preparations 'no."


"Fine. Whatever." Natatawang sabi ko bago siya pumasok sa cubicle.





"...Yes. And she's really getting in my nerves na talaga. I so hate her existence."


Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses ng babae na nanggagaling sa loob ng isa sa mga cubicle. Obviously, may kausap ito sa phone.


Binuksan ko ang pouch bag ni Joyce at nagsimulang magretouch.



"Yeah yeah, I know. But Liam's always with her, how am I supposed to do that?"


Napatigil ako sa pag-li-lip gloss nang marinig ko ang pangalan ni Ethan. Teka lang, kami ba pinag-uusapan nila?!



Maya-maya lumabas na si Joyce. Sinenyasan ko siyang wag maingay.


Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon