Chapter Forty Nine: Into the Woods

7 0 0
                                    

Chapter Forty Nine:  Into the Woods

"Anong ibig sabihin neto? Kaya nga a room with 2 beds ang kinuha namin para hiwalay kayo tapos magtatabi lang pala kayo? Ano sa tingin niyo 'yung isa, display?"

Umagang umaga, nagising ako nang parang may nagtatalo. Galing sa sala 'yung boses and I guess that was Ethan and Ate Kate. Bigla akong napatayo sa higaan at naalala 'yung kagabi. Agad naman akong napangiti at that thought.

"Ate, that was normal."

"Normal? Oo Tan, alam kong normal pero wag naman na sana kayong dumagdag sa mga magsyota diyan na--" T-teka, ano bang pinag-uusapan nila?

Nanlaki ang mata ko. Wait! Don't tell me nakuha na ni Ethan ang Visa Card ko?! Naboom chakalaka na ba ang perlas ng silanganan?! Noooooo!

Agad kong tinignan 'yung katawan ko sa ilalim ng kumot at ito pa rin naman 'yung damit ko kagabi. Wala din namang red spot sa kama. Tandang tanda ko pa lahat ng pangyayari kagabi. Walang alak sa sistema namin dahil una sa lahat di naman ako umiinom at pangalawa,natulog na kami agad nang magkayakap. Tanging yakap at kiss sa cheeks lang ang nangyari kagabi at hindi naman yata nakakabuntis 'yon.

"Hahahahahaha." Hindi ko maintindihan kung bakit tumatawa ang lokong si Ethan. "You misunderstood it ate. Walang nangyari sa amin ni Elle. Hahahaha."

"Wag ka ngang ano diyan Tan Tan, you spent the night in one room nang kayo lang, and to think na sinayang niyo lang 'yung isang kama tapos, walang nangyari sa inyo?" Bumaba ako sa kama. Nakakahiya man, kailangan kong humarap kay ate Kate at mag-explain.

"Ate, I'm not the same guy as what you're thinking."

Nakisingit na ako sa usapan nila. "Ate Kate, wala po talagang nangyari."

Gulat na humarap si Ate Kate sakin na kalalabas lang ng kwarto. "What?! Wala talaga?!"

Nabigla ako sa reaction niya. Teka hindi siya galit? "Hindi nga? Bakit wala pa? Kabagal naman ni Tan Tan oh."

Napa facepalm ako. Why on earth is she not mad? Or kahit sana disappointed of us. Instead, she's more like nanghihinayang or nasasayangan.

"Ate nag shashabu ka na ba?" Wtf Ethan? Hahaha. Kasunod nun ay binatukan siya ni ate Kate.

"Paano ba naman kasi, kanina parang nagagalit kang nagtabi kami kagabi tapos ngayong sabihing walang nangyari nasasayangan ka naman?"

Pakamot ulong lumapit sakin si Ethan. "Tara na nga Elle."

"Oh saan kayo pupunta?"

"Sa inyo, makikikain. Sumunod ka na din ate dahil late ka na sa trabaho mo."

"Ay sht! Oo nga pala!" Dali daling tumakbo papunta sa elevator si ate Kate. Natawa na lang kami pareho ni Ethan.

Pagkapasok namin sa kabilang suite, nadatnan naming pinapakain ni Kuya Mon si Faith. Napangiti ako, ang cute nilang tignan. Si Ethan kaya kapag nagka anak, ganyan din kasweet sa anak niya? Uh! What am I thinking?

"Si Ate Kate mo?" Tanong ni kuya kay Ethan nang makita niya kami.

"Umalis na po, late na daw siya." Painosenteng sagot ni Ethan.

"Late? Maaga pa ah? At saka hindi pa nakakapalit ng uniform 'yun eh."

Nagkibit balikat lang si Ethan at dumiretso na sa dining table. Aba loko 'to ah? Pinagtitripan niya lang pala 'yung hipag niya? Hahaha.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon