Chapter Forty Two Part II: Explanations

4 0 0
                                    

Chapter Forty Two Part II: Explanations

Ethan's POV:

Maaga akong pumasok to settle things. Bukod sa relasyon namin ni Elle, may isa pa akong problema. Si Yassy... She's back!

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, masasaktan, maiinis, o ano. Kasi bakit pa siya bumalik? After she left me hanging, babalik siya? Hindi pa ako handa. At saka... si Elle paano siya? I love her. She was there starting the night Yassy left me. I can't just leave Elle, I learned how to love her after all.

Papasok na ako sa gate ng school nang harangin ako ng isang lalaki at kinwelyuhan ako.

"Hahayaan mo lang bastusin nila yung girlfriend mo?!"

Taena! Natatandaan ko 'tong taong 'to ah! "Anong pinagsasabi mo?! Wala akong girlfriend."

"Eh gago ka pala eh! Ano si Lianne?!"

Gusto ko sanang sabihing wala na kami. Pero baka pormahan lang niya si Elle. "B-bakit siya? Anong meron?"

"Gago! Hindi mo alam?! May kumakalat na videong ginawa 'yung ex mo tungkol kay Lianne! Tarantado! Binabastos na 'yung pangalan ng girlfriend mo, wala ka pa ring alam!?"

Fvck?! "Anong video?! Saan ko makikita 'yun!? Tangina! Sabihin mo!" This time binitawan na niya ako.

"Sa webpage ng school nakaupload. Pero ito, kunin mo 'to." May inabot siya saking flashdrive. "Kay Yassy 'yan. The original copy of the video is there. Ikaw na ang bahalang magdelete."

"Salamat!" Binulsa ko 'yung flashdrive. Sa bahay ko na papanoorin. Tumakbo ako palayo sa lalaking 'yun. Saan ko na nga kasi siya nakita?

Umupo ako sa isang bench dito sa garden ng school at binuksan 'yung phone ko. Nag log-in ako sa webpage ng university at nagpunta sa news bytes section nito. Iniscroll ko na pababa pataas, pero wala akong makitang video. Shit! Pinagtitripan lang ba ako nung lalaking 'yun o ano?!

Umalis na ako sa garden nang wala akong makitang video. Tarantado 'yun ah! Gagawa pa ng kwento! Parami na nang parami 'yung mga pumapasok sa school. Parami na rin nang parami ang tumitingin sa akin. Tangina! Anong problema nila?! Dahil ba sa nalaman na nilang wala na kami ni Elle o dahil sa nalamang nilang bumalik na si Yassy?

Speaking of Yassy, may pakiramdam akong mag-eenroll ulit siya dito. Kaya upang makasigurado, nagpunta ako sa Students Affairs Office para iconfirm. Pero tama nga ang kutob ko. Kakaenroll lang niya nung Sabado. Titignan ko pa sana 'yung schedule niya pero masyado na raw confidential.

Naisipan kong ibalita kay Elle yung nalaman ko kaya inabangan ko siya sa labas ng classroom. Mabuti na lang magkaklase kami sa subject na ito. At gusto ko pa ring magsorry sa kanya sa nagawa ko kagabi. She was my girlfriend before I knew that Yassy's back, I don't think it's right to give up what we had just because of Yassy. In fact, dapat malaman pa nga ni Yassy na kami ni Elle para hindi niya isiping hindi pa ako nakakamove on sa kanya. "Elle. Wait, I have to tell you something. Listen carefully." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Pero agad din niyang tinaboy ang kamay ko at tumakbo nang hindi man lang ako pinapakinggan. Tinawag ko pa siya pero hindi man lang din lumingon. Ganun na lang siya kagalit eh hindi naman niya alam 'yung nangyari. Bakit ba kasi hindi niya ako pakinggan? Tangna niyang Maja na 'yan! Subukan niyang magpakita sa akin, makikita niya! At oo nga pala, inutusan lang siya ni Yassy. P-pero bakit?

Pagkapasok ko sa room, lahat na naman sila nakatingin sa akin pero hindi ko 'yun inintindi. Lumapit ako sa pwesto nila Elle at ng mga kaibigan niya. Nakiusap ako kay Xiara na kami na lang ni Elle ang magtabi. Pumayag naman ito dahil hindi makausap si Elle. Preoccupied yata ang isip niya sa nangyayari dahil maski ang pagtabi ko sa kanya ay hindi niya napansin.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon