Chapter Thirty Four: Bills
Ethan's POV:
Ahh sht! Bakit ba kasi pati trainor pagseselosan pa?! King ina mo kasi Ethan eh! Tinignan ko si Elle na paakyat ng boat nila.
Pasulyap sulyap ako sa kanya kahit na nagsimula na ang challenge. Hanggang sa natapos na ang siyam na team mates ko at ako na amg sasabak para sa panghuling shell na 'yan.
Muli akong tumingin sa direksyon ni Elle. In my surprise, last swimmer din pala siya ng team nila. Nagkatinginan kami ng ilang segundo pero nauna siyang nag-iwas ng tingin. Halatang naiinis pa rin siya sa akin.
Sinadya kong paunahin siyang tumalon bago ako sumunod. Leading ang team nila at alam kong gusto niyang ipanalo 'to.
Lumangoy ako hanggang sa nakuha ko na ang tamang shell. Si Elle kaya?
Kahit sa ilalim ng dagat ay nagawa ko pang hanapin si Elle.
Shit! She's drowning!
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, pinuntahan ko siya para sagipin. Wala akong pakealam sa challenge na ito. All I care about is Elle. She's all that matters to me, lalo sa mga oras na ito. But the moment nakarating ako sa kanya, I was late. Tuluyan na siyang nalunod at nawalan ng malay.
"I got you hon, wake up. Please." Bulong ko dito habang dinadala siya pabalik sa boat nila. Nagpapanic na rin ang ibang school heads maging ang mga kaibigan at team mates niya.
"Wake up hon, wake up." Tinapik tapik ko ang pisngi niya nang mailapag ko siya sa boat nila.
CPR! Tama! She needs CPR.
Nilapit ko ang aking bibig sa kanya at sinalinan siya ng hangin. Nagpaulit ulit na ako pero wala pa rin. Sht! This can't be happening…
Ilang minuto pa ay dumating ang emergency boat ng hotel. Maging nang naisakay na siya doon ay hindi pa rin siya nagigising. Mas lalo akong nangamba. Sht! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya.
"Okay, CPR! We'll do CPR!" Anunsyo ng isang lalaking parte ng emergency team ng hotel.
"Wait! What?! You'll do CPR with my girl?!" Galit na humarap ako sa lalaking volunteer.
"That's the best aid we can do sir upang magising ang nobya niyo." Sagot nito.
"No! I won't let anyone touch her lips! I'll be doing it instead!" Saka ako muling nagCPR kay Elle. Sana naman magising na siya.
Nakarating na lang kami si pinakamalapit na General Hospital ay hindi pa rin siya nagigising. Isinugod ito sa emergency room.
"Sir hindi kayo maaaring pumasok." Pigil sa akin ng isang nurse.
"I need to be by her side when she wakes up!" Protesta ko.
"Pero hindi po talaga maaari."
Napabuntong hininga na lang ako na sumalampak sa bench sa labas ng emergency room. Wala na akong magagawa kundi maghintay na magising siya.
Kanina sumunod dito sa hospital 'yung ibang heads maging 'yung nga kaibigan ni Elle. Umalis din naman sila agad bago magdilim.
Tumingin ako sa orasan, pasado 9 na pala. Ang tagal niya magising. Kinakabahan na ako. Kung may mangyaring masama kay Elle, hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
"H-hon…"Napa-angat ako ng ulo nang magsalita siya.
"Darn! Thank goodness you're awake hon!" Sa excitement ko napayakap ako sa kanya. Salamat po at gising na siya. "Wait, here eat this. Ilang oras kang walang malay, wala pang laman 'yang tyan mo." Inabot ko sa kanya 'yung sopas na inutang ko pa kanina sa canteen ng hospital.
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Fiksi Remaja"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...