Chapter Twenty Five: Concert Night
Pasado alas-tres na nang umalis kaming lahat sa bahay ni Grace. Sumakay kami sa kotse ni Ethan. Actually hindi talaga kami kasya pero dahil wala ni isa sa kanila ang gusto magdrive, pinagkasya namin ang mga sarili namin.
"Hindi tayo kasya!" Reklamo nila.
"Kung yung iba na lang kasi sa kotse na ni Grace sumakay, hindi sana kayo magsisiksikang anim dyan!" Sabat ko sa kanila.
Aba ipagkasya nila sarili nila dyan sa backseat. Apat lang kasya dyan eh anim sila, bahala na silang remedyohan yan. Basta ako sitting pretty dito sa harap katabi ni Ethan.
"Ang taba kasi ni Gianne eh! Hoy babae mag-diet ka nga!" Reklamo pa ni Crisha.
"Aba ako pa sinisi? Sino bang hindi magkasya sa atin? Diba ikaw? Kaya bumaba ka na at maglakad ka na lang, hindi na masara yung pinto oh." Angal ni Gianne.
Natatawa na lang ako sa kanila.
"My wife, sit on my lap."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ethan. Kasabay nun ay ang biglang pagtili at pagkakilig ng mga bruha kong kaibigan.
"What?!"
"Sit on my lap while I drive. Kaibigan ka ba talaga? Hindi ka man lang naaawa sa mga kaibigan mo, hindi sila kasya dun oh." Nagsitawanan naman ang mga babae sa likuran at umagree pa kay Ethan.
"Okay ka lang?! Magdadrive ka kaya!"
"Does that matter? Hindi tayo maaaksidente. Trust me."
"AYIEEEEE! Sit on his lap na kasi nang makaalis na tayo. Anong oras na oh." Pangangantyaw nila.
Eff! Sino kayang siraulong uupo sa lap ng isang magdadrive?!
Maya-maya, bumaba na ng kotse sina Crisha at Anne, at hinila ako pababa.
"Hoy! Ano ba?! Ayoko nga eh. Kayo kaya?!"
"No. He's your boyfriend not ours. Kung yung boyfriend ko lang ba nagsabi sa akin niyan, aba gogora agad ako." Sambit ni Crisha.
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Novela Juvenil"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...