Chapter Fifty One: Face your fears
Ethan's POV
Naisipan naming mag gala ngayong araw. Ilang araw na kami dito pero hindi pa kami nakakapamasyal sa Baguio.
Dahil Camp John Hay ang pinakamalapit na pasyalan mula sa bahay nila Kuya, 'yun ang unang destination namin.
"Hon look oh, may Tree Top Adventure pala dito? Sounds fun. Tara mamaya!" Pinakita niya sakin 'yung ipad niya. Aba't busyng busy pala siya sa pagsesearch ng mga pasyalan dito kaya pala kanina pa siya tahimik diyan. "May sky diving kaya 'dun? I want sky diving, honey."
T-Teka, ano daw sabi niya? S-s-sky diving?! "Sky diving? Pangit naman nun, hon. Magbabayad ka para lang magpaka hilo? Iikot na lang kita, libre pa."
She shot her brows heavenwards. "Ha. Ha. Oo 'no?" Sarkastiko nitong sagot. Pero maya-maya ngumiti na lang ito ng nakakaloko. "Uy! Don't tell me takot ka?"
"Hah! Takot? Sinong takot?" Pagmamayabang ko.
"Ikaw."
"Woah. I guess you don't know me, enough. Isa lang ang kinatatakutan ko sa mundong 'to. 'Yun ay ang mawala ka sakin. Other than that, wala na akong kinatatakutan pa." Argh! What am I saying? Bakit kailangan ko pang mag paimpress?! I know very well that I have acrophobia. Fvck!
"Edi solve! Tara na." Tumayo na siya pero pinigilan ko.
"Hep! Wait, we can't go unless you finish your food. Kapag hindi mo naubos 'yan, we're not gonna go there."
"Eeeh! Dayaaaa."
"Then no sky diving. That's it." I smirked.
"De joke lang. Ito naman, di na mabiro." Agad niyang sinunggaban 'yung pagkain niya. Agh!
Gusto ko pa sana kumain dahil ang sarap sarap ng pagkain nila dito sa Choco-Late de Batirol plus the fact na ang ganda ng ambiance, but I lost my appetite. Iniisip ko pa lang na magtatalon talon ako sa ere, gusto ko nang sumuka.
Dahil sa excitement niya, pagkatapos naming kumain, diretso agad siya sa kotse at siya na ang nagdrive. Takte, wala yata akong takas dito.
"San kaya 'yun? Hon sabihin mo kapag may nakita kang Bell House ah. Nabasa ko sa internet na malapit daw dun eh." Nakarating na ako once dito noon pero hindi ako umimik kahit alam ko naman talaga kung saan 'yung Bell House at 'yang Tree Top na 'yan. I'm too busy to figure out a way to escape this. Agh! Eh sa ayoko talaga magpunta dun. Sino naman kasing boyfriend ang aamin sa girlfriend niya na takot ito sa heights? Fvck!
"Ate, ate, pwedeng magtanong?" She slowed down the car to ask. "Saan po dito 'yung Tree Top Adventure?"
"Ay sa taas pa miss. Akyatin mo lang 'yan, dire-diretso tapos makikita mo kaagad."
"Ah sige, salamat po." Tinaas na niya 'yung bintana. "Yipeee! I guess we're almost there." Bakas sa boses niya ang excitement. I saw myself staring at her and I realized I'll be selfish to take what's making her happy away from her. I can't let myself do that, I promised myself that I'll do everything for her to be happy. So I guess, I have to face my fears for her.
"Slow down, turn right, and stop once you see a white tablet that says Tree Top Adventure." Napatingin siya sakin nang magsalita ako.
"Alam mo naman pala kung saan eh. Bat ngayon ka lang nagsalita?"
"S-sorry. Kakaalala ko lang kasi hon."
"Hmm, it's okay. Ayan na ba, 'yun hon?"
"Yeah." Bumaba ako ng kotse nang huminto ang ito. Umikot ako at pinagbuksan siya.
BINABASA MO ANG
Past Tense (On-Going)
Teen Fiction"I loved her. Past tense, Elle. Akala ko ba magaling ka sa English? Ni simpleng past tense lang hindi mo pa maintindihan. She was my past tense, and you are now my present tense. And I'd be more than willing for you to be my future tense. I love you...