Chapter Thirty Eight: Video

1 0 0
                                    

Chapter Thirty Eight: Video

"E-Ethan..."

Napahinto siya sa paglalakad at tila napako siya sa kinatatayuan niya. Alam kong alam na niyang ako 'to.

"Why'd you stopped babe?" Tanong sa kanya ng lechugas na babaeng 'to. "Oh, hi Lianne. I didn't know you were here. Small world eh?"

Leche! 'Yan na naman siya sa "I didn't know you were here" niya!

"What are you doing here Lianne? You alone?"

"My lavs..."

"Oh, so you're with them Lianne?"

Hindi ko siya pinansin, nakatingin lang ako kay Ethan na ngayon at nakaharap na sakin. Napatingin ako sa kamay ni Yassy na nakasabit sa braso ni Ethan.

Unti-unti akong nanghina. Next thing I knew, nabitawan ko 'yung dala dala kong paperbag. Tumakbo ako palabas ng arcade. Narinig ko pang tinawag ako nina Jeff pero hindi ko na lang pinansin.

Sunod sunod na namang nagsilabasan 'yung mga luha ko. Fishtea talaga oh!

Kung kailan naman nakapag desisyon na akong makipag-ayos kay Ethan, saka ko naman sila makikitang magkasama? Nagbabalikan ba sila? O baka naman nagkabalikan na sila?

Nakarating ako sa isang park at naupo ako sa isang bench nang nakaramdam na ako ng pagod. Maya-maya nagvibrate 'yung phone ko. Kinuha ko 'yun para basahin 'yung text message pero unang sumalubong sakin 'yung wallpaper kong nakakabitter.

From: Hon<3

Pati pala contact name niya, di ko pa napapalitan. Okay, ilalagay ko.nga sa To-Do list ko mamaya na palitan 'yung wallpaper, ringtone, at contact name niya.

Binalik ko iyon sa bag ko. Ayokong basahin. Ayokong malaman kung ano man ang sasabihin niya. Sigurado naman akong magsosorry lang siya dahil magbabalikan na sila ni Yassy. O kaya naman sasabihin niyang narealize niya na si Yassy pa rin pala ang mahal niya lalo pa't bumalik na ito. Shit! Ayoko nang malaman.

[Gluk. Gluk. Gluk.]

Tang mother! Bakit ang bilis naming natapos? Wala pang isang buwan, tapos na agad? Dumaan lang ba siya sa buhay ko? Hindi naman ako one stop shop na kapag napadaan siya, maiisipan niyang magstop over muna, tapos tatambay siya sa buhay ko pero pag nabored na siya aalis na lang siya agad.

At some point nagsisisi na akong hindi ko siya hinayaang mag-explain. Ilang beses niya akong inapproach, ilang beses ko rin siyang tinaboy. Ano ako ngayon? Eto nagsisisi. Lalo pa ngayong bumalik na 'yung pinakamamahal niyang babae. Eff! Pero kasi, nasaktan lang naman talaga ako nung nakita kong naghahalikan sila ni Maja. Kasalanan ko bang ganun ang naging treatment ko sa kanya?!

[Gluk. Gluk. Gluk.]

"Ineng, wala ka bang balak sumilong. Lumalakas na ang ulan oh."

Bumalik ako sa sarili ko nang narinig kong sumigaw si manong. Ngayon ko lang narealize na umuulan na pala. Ang tanga ko naman para hindi maramdamang nababasa na ako.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Wala nang sense kung sisilong pa ako eh basa naman na ako. Para ko na ring sinabi na hindi ko na siya mahal pero araw araw ko naman siyang iniiyakan at nasasaktan akong makita silang magkasama ng ex niya.

Hindi ko alam kung saan ako papunta. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Nagflashback sa utak ko lahat ng nangyari. Nung nagmakaawa siyang samahan ko siya sa airport para sundan si Yassy. Nung gabing dinala ko siya sa ice cream parlor para mabawasan kahit papano yung sakit na nararamdaman niya. Nung nagjamming kami sa detention room dahil sa late kami pareho. Nung unang beses na tinawag niya ako ng Elle. Yung sobra na lang 'yung galit ko nung nakita ko siyang halos kainin na 'yung malanding babae sa CNQ Bar. Nung inamin niyang mahal niya ako. Nung niligawan niya ako. Yung mga moments na pinaramdam niyang mahal talaga niya ako. Nung gabing nalock kami sa clinic. Hanggang sa dumating 'yung concert night. At 'yung araw araw na panliligaw niya sakin kahit kami na. Sa sandaling panahong nagkasama kami, pakiramdam ko isa akong prinsesa. Ang saya saya ko. Pero lahat ng 'yun nawala na lang bigla. Naghiwalay kami at bumalik na si Yassy. Ito na ba 'yung epilogue ng kwento naming dalawa? Kung ganon, macoconsider kong tragic ang ending ng love story ko.

Past Tense (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon